Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 22 "Tol, mahal pa rin kita hanggang ngayon. Mahal mo pa rin ba ako?" ang seryosong tanong ni Myron habang nakatingin ng tuwid sa aking mga mata. Natahimik ako at nag bitiw ng isang malalim na buntong hininga, tumingin din ako ng tuwid sa kanyang mga mata at sinambit ang mga kataganga "OO, mahal pa rin kita at hindi naman nawawala ito. Ngunit.. May asawa kana at tahimik na ang iyong pamumuhay kaya naman kahit papaano ay natutuwa ako dahil normal na ang iyong piniling landas. Kung ako naman ang tatanungin mo, marami na ring nag bago sa akin. Sa ngayon ay nahanap ko na rin ang kaligayahan na nawala sa akin noong mga panahong binabalot ako ang matinding lungkot." "Alam ko tol, siya ba? Siya ang bago mo?" ang tanong nito na tila may halong panlulumo sa kanyan