Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 19 Makalipas ang ilang linggo ay sumapit naman ang aking kaarawan, ang lahat ng aking mga kaklase at kaibigan ay imbitado sa pag diriwang kabilang na rito ang mga miyembro ng peace maker club na siyang namili ng tema para sa aking party at ito ay "Justice League" at "super heroes". Sa makatuwid ang mga dadalo ay naka suot ng mga costume ayon na rin sa mga karakter na kanilang napili. Ipinag bigay alam ko na rin kay Raul na kasalukuyang nag tatrabaho sa kompanya ni papa ang plano ukol sa aking party at sumang ayon naman agad ito. Si Green Lantern ang aking napili karakter at si Raul naman ay walang paki alam, hehehe. Wala daw kasi siyang hilig sa mga childrens party kaya't mag kukulong na lamang siya sa aming silid pag sumapit ang gabi ng pag diriwang. "Ti