Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 18 Isinugod si Raul sa ospital at ako naman ay dumiretso sa presinto upang isalaysay ang mga pangyayari. Siyempre ay pinag bigay alam ko rin sa kanila ang kabayahinang ginawa nito upang madakip ang salarin. Dito ko rin napag alaman na ang nag tangka sa buhay ng bise gobernador ay ang kalaban niya sa politika at ilang matataas na taong may lihim na galit sa kanya. At habang nasa ganoong pag rereport ako ay nakatanggap ako ng text message mula ay papa at ibinalita niya sa akin na ligtas na raw si Raul at kasalukuyan lamang itong nag papahinga doon sa ospital kung saan ito dinala, kaya naman noong mga sandaling iyon ay hindi na ako nag aksaya pa ang panahon at agad akong tumulak sa naturang ospital upang bisitahin ang pobreng tambay na nag paka bayanin para s