Alyas Kanto Boy Ai_Tenshi Part 17 Araw ng Biyernes, isa ako sa punong abala sa pag hahanda para sa pag bisita ng bise gobernador dito sa aming campus mamayang hapon. Tulad ng dati ay sa akin pa rin naka assign ang siguridad ng mga mag aaral habang tumatakbo ang programa kaya naman maaga pa lang ay tinipon ko na ang mga miyembro ng peace maker club upang pag usapan ang aming plano para sa buong mag hapon. "Katulad ng dati, tungkulin ng Peace Maker Club ang siguraduhin ang kaayusan at seguridad ng mga mag aaral dito sa ating paaralan. Mamayang hapon kasi ay bubuksan ang tarangkahan para sa lahat kaya maaaring makapasok ang mga outsiders. Hindi natin kilala ang mga taga labas na iyon, maaaring ang ilan sa kanila ay basag ulo at walang ibang intensyon kundi ang mag hanap ng gulo katulad na