Alyas Kanto Boy AiT_enshi Part 16 Noong bumalik ang aking ulirat ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng ospital, habang sina mama at papa naman ay nasa aking tabi at hindi maitago ang pag aalala. Nasa kabilang sulok naman si Raul na tila isang maamong tupa na walang ginawang kasalanan. At bukod pa roon ay bakas na bakas sa kanyang mga mata ang pag sisisi na para bang nangungusap na patawarin ko siya. Masama pa rin ang aking pakiramdam ngunit nangingibabaw pa rin ang sakit ng aking naranasan dulot ng panlolokong nagawa ni Raul sa akin. "Kumusta ka na anak? Pinag alala mo kami ng mama mo." tanong ni papa habang inaayos ang aking higaan. "Anak mag iingat ka naman, palagi mong dadalhin ang inhaler mo para kung may emergency man ay magagamit mo ito. Hindi mo alam kung gaano kami nag a