"Ano, Kiara? Magdesisyon ka kung ano talaga ang gusto mo? Ang magbait-baitan diyan sa lalaking 'yan o ang makausap ang papa mo?" Napatitig si Kiara sa mukha ni itim ng anghel, kahit na hindi 'yon kaaya-aya dahil maitim na nga, eh, may sungay pa. Ew! Pagkatapos ay kikibot-kibot ang mga labi niya na balik tingin siya sa papa niya sa parang projector sa harapan niya. "Of course, gusto ko makita at makausap si papa," hindi nagtagal ay sagot na niya na buo ang loob. Parang mabuksan din kasi ang isip niya na mali nga ang kanyang ginagawa. Na kabaliktaran lahat ang ginawa niya kay Kevin sa totoong misyon niya rito na gawin itong masama. "Pwes, umayos ka, Kiara. Gawin mo ang totoong misyon mo rito sa lupa. Ang gawing masama ang lalaking 'yan." Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga ba