"A-anong ibig mong sabihin? Do you mean to say that you're really sick?" tigagal na tanong ni Kiara sa ipinagdradrama ni Kevin. Gusto na raw nitong mamatay. Eh, di wow! Nang hindi sumagot si Kevin ay ilang minuto na nagkatitigan silang dalawa sa isa't isa. Hanggang sa naramdaman niyang naiiyak na siya. Silence means yes. Mukhang may sakit nga sa Kevin. “May sakit ka nga? Anong sakit mo?” mga katanungan niya pa. Bigla na lang ngumiti si Kevin at pinisil ang maliit at matangos niyang ilong. "Aray!" Iwas niya. Natawa rin si Kevin. Balik masigla na ito pero halatang pinipilit lang naman. Busangot naman ang mukha niyang hinampas ito sa balikat. "Huwag mong iwala ang usapan. Ano nga? May sakit ka ba?” Sumeryoso tapos ngumiti rin naman agad si Kevin. "Wala 'yon. Joke lang 'yon. Kung maka