"Sabi mo clinic? Clinic naman 'yan, 'di ba?" Pagrarason ng kakamot-kamot sa ulong tricycle driver kay Kiara. Kagat ni Kiara ang pang-ibabang labi niya na iningusan ito. Naku, pasalamat ito at may hawak ang dalawa niyang kamay kundi pumitik na siya’t ginawa niya itong utak. Walang utak, eh! "Anong pong sa atin?" Lumabas naman agad ang isang babaeng mula sa clinic na iyon. Ito yata ang midwife sa paanakan na iyon. "Uhm..." Alinlangan man ay nag-bahala na nga sa isip niya si Kiara. Siguro naman ay may maitutulong pa rin ito kay Kevin kahit paano. "Ah, eh, emergency po! He passed out! Please help us!" "Naku, eh, ba't dito niyo siya dinala? Dapat sa hospital!" "Malayo po kasi!" Walang anumang pinasok na niya si Kevin sa loob ng clinic. Sa kama na alam niyang paanakan niya ito pinahiga. "S