"Does it hurt?" Kiara asked to Kevin with a pout. Pauwi na sila dahil tapos na ang trabaho ng binata sa palengke. Mamayang madaling araw ulit raw kapag dumating na naman ang mga truck na nagdadala ng mga gulay mula sa kung saan-saang lugar. "Parang tumabingi ang mukha ko," sagot ni Kevin na hindi man lang mababakasan ng galit o inis. Nginanganga ang bunganga. "You're not mad?" naangiwing tanong niya pa. Ang inasahan kasi niya ay magagalit sa kanya ang binata sa ginawa niya. "Okay lang 'yon. Basta huwag mo nang uulitin 'yon, ha?" malumanay na sagot ni Kevin sa kanya. Napamaang siya. Natigilan. Tuloy ay napag-iwanan siya ni Kevin sa paglalakad. Paano'y humanga ulit siya sa kabaitan nito. "Bakit nakatayo ka na lang diyan?" pansin sa kanya ng binata. Nakalingon na ito sa kinatatayuan niya