"Bwisit na buhay 'to! Bwisit talaga! Wala na ngang pera may nagkakasakit pa!" Galit na galit si Aling Amy, ang tita ni Kevin. Nagdadabog ito habang naghuhugas ng mga pinagkainan. Kahapon pa ito talak nang talak mula nahimatay si Kevin. Wala man lang mababakas dito kahit konting awa o pag-aalala. Ang malakas na boses ng ginang ang nagpagising kay Kevin mula sa pagkakatulog niya no'ng sinumpong siya ng matinding sakit sa ulo kahapon. Dali-dali siyang bumangon dahil alam niya agad na umaga na. Nga lang ay anong gulat niya nang nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng kama niya at nakangiti sa kanya. Babae na ang cute. "Hi," bati ng babae sa kanya. "How's your feelin'?" Naalala na niya ito. Ito 'yung babaeng makulit sa piggery. Si Kiara. "B-Bakit nandito ka pa?" tanong niya na mah