"Ano'ng nangyayari rito?!" malakas na sigaw ng tiyahin ni Kevin. Galit na galit na naman ang ginang sa binata. "Nakawala po ang mga baboy, tita," hindi ma-explain ang mukhang sagot ng binata sa tiyahin nito. "Wala ka talagang kwenta!" Gigil na gigil ang ginang na hinampas nito ang ulo ni Kevin. Malakas iyon kaya naalarma si Kiara. "Aba't! Sumusobra ka na, ah!" Akmang susugurin niya sana ang masamang ginang pero mabilis ang naging kilos ni itim na anghel. Sa isang pitik nito ay naging invisible silang dalawa. Kaya naman nang lingunin sila ng ginang ay hindi na sila nakita nito. At kahit man nagtataka ay ipinagpatuloy nito ang pagtatalak sa pamangkin. "Hulihin mo silang lahat kung hindi malalagot ka talaga sa'kin!" "Opo." Hindi nagkandaugaga ang kawawang si Kevin kung sino ang unang huh