PART 6

1332 Words
Mabilis ang takbo ni Kiara. Pero bigla siyang preno dahil lumampas na pala siya sa bahay kung saan naririnig niya si Kevin na sinasaktan ng tiyahin. Napalinga siya sa bahay na iyon. At nakita nga niya si Kevin na parang batang hinahampas ito ng walis tambo ng isang babae na may edad na rin. Ang babae malamang ang tita ng binata. She bit her tongue, trying to keep her mouth shut. Muntik na kasi niyang sigawan ang ginang. Napa-inhale siya. Kawawa kasi si Kevin, eh. Hindi man lang umiiwas sa mga palo ng tita nito at hindi rin nanlalaban. Daig pa ng bata. Tsk! Siya na sana ang susugod sa masamang tiyahin ng binata nang bigla kasi ay humarang na naman si itim na anghel sa kanya kaya naudlot. "At ano'ng gagawin mo?" Pinamaywangan siya nito. "Grabe siya, eh." Tinuro niya ang ginang na kung makapanakit kay Kevin ay wagas. Parang hindi tao si Kevin na hinahambalos nito ng walis. Susugod na sana talaga siya pero tinulak siya ni itim na anghel. "Kiara, baka nakakalimutan mo! Nagbalik ka rito sa lupa para gumawa ng kasamaan at hindi ng kabutihan!" bulyaw na sa kanya nito. Natigilan siya tapos ay napa-'oo nga' siya sa kanyang sarili. Naglipat-lipat ang tingin niya sa banda nina Kevin at sa itim na anghel. "Nakalimutan mo agad ang misyon mo? Gusto mo ba talagang makapasok sa impyerno o hindi? Gusto mo bang makausap ang papa mo o hindi?" Doon siya nakapag-isip-isip at lumaylay na ang mga balikat niya. Ang haba nang naging nguso niya. "Umayos ka, Kiara, dahil ang babaeng 'yan." Itinuro ni itim na anghel ang tiyahing nanakit, "ay kasamahan natin. Dapat matuwa ka dahil masama siya. Dahil tuwang-tuwa si Satanas sa mga taong ganyan. Siya ang dapat tuluran mo kung gusto mong makapasok sa impyerno." "Natutuwa naman ako, ah. Kaya nga lalapit sana ako para iabot sa kanya pati 'yung dustpan. Mas masakit 'yung dustpan na pamalo," pagsisinungaling niya sabay halukipkip. Pinanood na lang niya ang ginang at si Kevin. Tuwang-tuwa naman si itim na anghel lalo na nang tadyak-tadyakan pa ng masamang tiyahin si Kevin. Lihim na napapangiwi naman siya. At nang hindi matiis ang nakikitang pananakit kay Kevin ay umalis na lang siya. "Sa'n ka pupunta?" pahabol na tanong sa kanya ni itim na anghel. "Maghahanap na ako ng magiging misyon ko," sagot niya na nakabusangot pero ang totoo ay sa piggery lang siya nagtungo. Umupo siya sa sementong pader ng baboyan. Nangalumbaba siya roon. Panay ang buntong-hininga niya. Awang-awa kasi talaga siya kay Kevin. Kaya pala maputla ang binata kasi grabe kung saktan ito ng tita nito. Hindi na namalayan ni Kiara kung gaano siya katagal doon nag-iisip na wala namang iniisip. 'Di nagtagal ay nakita na niya si Kevin na pabalik sa piggery. Iika-ika ang binata na naglalakad. She stood up and gave him a sweet smile while waiting. "Hi," at pa-sweet na bati niya nang nakalapit ito. Subalit sinulyapan lang siya ng binata. Laking gulat niya nang muling pumasok ang binata sa piggery at nagwalis doon na parang wala lang. Sa kabila ng iniinda nitong sakit gawa nang pananakit ng tiyahin nito ay nagagawa pa rin nitong maglinis. She stared at Kevin's back for a moment. "Ang bait naman," wala sa sariling naisaloob niya. Hinayaan niya na lang muna ito. Paminsan-minsan ay napapatingin din siya sa binti ni Kevin na may mga latay. Namumula ang binti ng binata. Kawawa talaga. "Are you okay?" mayamaya ay hindi siya nakatiis na tanong. Subalit walang naging tugon ang binata. Patuloy lang ito sa paglilinis sa kulungan ng baboy. "Bakit 'di mo siya labanan? Ang sama niya sa'yo." Napatingin na sa kanya ang binata. "Bakit 'andito ka pa?" pero tanong din nito sa kanya na mahina, imbes na sagutin siya. "Ah... eh..." Ngumuso-nguso siya. Bakit nga ba 'andito pa rin siya? Kaso hindi niya alam talaga ang sagot. "Um... kasi wala naman akong mapuntahan," sagot na lang niy. Totoo naman 'yon. Totoo na wala siyang mapuntahan dahil hindi niya alam kung paano siya mag-uumpisa sa paghahanap ng magiging misyon niyang tao na sobrang bait. "Taga saan ka ba?" "Taga Maynila ako. Naligaw ako," pagsisinungaling niya ulit. "Ang layo naman ng kinaligawan mo?" "Huh? Bakit saang lupalop ng mundo na ba ang lugar niyong ito?" "Nandito ka na sa bandang Pangasinan." "Whaaatttt?!" Lumuwa talaga ang mga mata niya sa nalaman. Hindi siya makapaniwala na Pangasinan ang kinabagsakan niya. Ang layo nga! The heck! "Pa'no ka napadpad dito? Paanong naligaw ka?" "Um... I-It's a long story, eh. Saka ko na lang sasabihin sa'yo," nakangiwing sagot niya. "Eh, ikaw bakit marunong kang mag-Tagalog kung nandito tayo sa Pangasinan? Ang alam ko kasi iba ang salita rito, eh?" Pinagpatuloy ni Kevin ang paglilinis habang nag-uusap sila. "Limang buwan pa lang kami rito. Umuwi ang Tita ko rito kasi hirap na kami sa Maynila." "Where's your parents? Bakit hinahayaan nilang saktan ka ng maldita mong tita?" "Isang taon na silang patay. Nadisgrasya sila kaya napunta ako sa sa tita ko." "Ah, okay..." Tumango-tango siya. Hindi muna siya nagtanong. Nakita niya kasing mas lumungkot pa ang binata. Hinayaan na lang muna niya ulit ito na maglinis. Hindi niya muna inistorbo. At 'yon na naman ang awa niya kay Kevin. Halatang pagod na kasi ito. Malawak kasi ang piggery. Hindi nagtagal ay napapakamot siya ng batok, kasi naman ang tagal matapos ng binata. Kung may magic lang sana siya ay minagic na lang niya na matapos ang gawain nito. Wait! She almost forgot. 'Di ba nga may powers naman talaga siya? "Uhm..." Napatitig siya sa hintuturo niya. "Masubukan nga," at pilya niyang sabi. Nga lang ay biglang may humawak sa daliri niyang iyon. And us usual si itim na anghel na naman na biglang lumitaw sa harapan niya. She rolled her eyes, ito na talaga ang epal. Ay, naku! "Hindi ka ba talaga nakikinig sa'kin?" Pahablot niyang binawi ang kamay niya at iningusan niya ito. "Kapag ganyan ka sinasabi ko talaga sa'yo hindi ka makakapasok sa impyerno." Parang hindi niya narinig ang itim na anghel na iniwan ito. Paulit-ulit na lang, eh. Susubukan lang naman niya, eh. Subalit napalingon siya agad nang nakarinig siya ng ingay. At anong panlalaki ng mga mata niya nang nakita niyang pinapalabas lahat ni itim na anghel ang mga baboy sa piggery. Hindi pa napapansin ni Kevin kasi nakatalikod ang binata na patuloy sa paglilinis. Mabilis na nilapitan niya ang itim na anghel. "What the hell are you doing?! Stop it!" saway niya rito. "Dapat ganito ang ginagawa mo. Ang pahirapan ang mga tao," hambog na sabi ni itim na anghel. "Gago ka talaga!" she cursed. "Matagal na!" Pero natuwa pa ito. "Ooooyyyy!" sigaw na ni Kevin na narinig niya. Hinabol na nito ang mga baboy na nakawala. Lalong naawa siya sa binata. Pagod na nga kalilinis tapos maghahabol pa ito ng baboy. Naku naman! "Habulin mo!" Malutong namang nagtatawa si itim na anghel. Inirapan niya ito. Ito kaya ang gawin niyang baboy? Ang sama, eh. Eventually, walang nagawa si Kiara para kay Kevin dahil bantay sarado na sa kanya si itim na anghel. Nang may napansin siya sa lupa na isang brown na maliit na libro. Lumapit siya roon. Malamang nahulog 'yon ni Kevin. At napamata siya sa maliit na libro dahil Bible pala iyon. Akmang pupulutin niya sana iyon pero pinigilan siya ng itim na anghel. "'Wag na 'wag mo 'yang pupulutin o hahawakan man lang. Magiging abo ka," at babala nito sa kanya. Hindi siya umimik at pinabayaan na nga ang banal na bagay na iyon. Pero kasabay n'on ang pagkakaisip niya na hindi kaya si Kevin na ang misyon niya? Na ito na ang taong mabait na hinahanap niya? Ang taong dapat niyang gawing kampon ni Satanas? Napatitig siya sa takbo nang takbo na binata. Siya na nga! Kaya pala hindi siya makaalis!......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD