"Huwag kang mag-alala gagamutin kita. I will use my powers." Hindi pa rin maampat-ampat ang iyak ni Kiara. She feels extreme pity or sympathy for Kevin. Nadudurog ang kanyang puso. Grabe na ang hitsura kasi ni Kevin. Namumutla ang mukha nito. Ang bibig halos wala nang kulay, putlang-putla rin. At ang mga mata, kahit na ngumingiti ito sa kanya ay napakalamya. Mahahalata rin na agad bumagsak ang katawan nito, pumayat agad. She hugged Kevin once more. Hindi niya talaga kayang tingnan lang ito. Talagang nakakaawa ang kondisyon ni Kevin. "Tahan na. Okay lang ako," napakahina ang boses na alo sa kanya ng binata. "Pero hindi okay. Ang bait mong tao. I don't understand bakit ikaw pa ang nagkasakit ng ganito." "Dahil may dahilan ang Diyos, Kiara." Sunod na sunod na iling ang ginawa niya. Al

