"I SHOULD know my boundaries, huh?" Narinig ko ang sinabing iyon ni David. Nilingon ko siya saglit. Malayo-layo na kami mula sa mansion ng nanay niya at binabagtas na namin ang kalsadang pauwi sa condominium building. Akala ko ay bibiyahe kami nang hindi man lang nag-uusap, pero siya na ang bumasag ng katahimikan sa loob ng kotse. "I didn't mean to offend anyone with my answer," wika ko. "Parang ang weird lang kung sasabihin ko basta na ayos lang sa akin na makipagkita ka sa kaibigan mong babae. Ayokong maghinala siya o ang kahit sino sa kanila tungkol sa totoong relasyon natin. Mukha pa namang hindi alam ng pamilya mo na kontrata lang ang kasal natin." Wala kaming napag-usapan ni David, pero malakas naman akong makaramdam. Isa pa, bakit niya sasabihin sa pamilya niya na kontrata lang