AKALA ko ay wala nang mas nakakakaba pa sa pagharap ko noon kay David bilang si Jackelyn. Mas nakakatakot pa pala ang makaharap ko ang nanay niya na si Mrs. Irina Godefroy Fuentabella at ipakilala dito ni David bilang asawa. “Welcome to my house, Onic. Is that your nickname?” “Yes, Ma’am. Hindi ko lang alam kung anong totoo kong pangalan dahil maliban sa edad ko, ‘yan lang daw ang alam ko na pangalan ko noong nakita ako ni Tatay Emman.” Larawan ng kalituhan si Mrs. Irina pagkatapos ng sagot ko. “W-what do you mean?” “Ma, ang ibig lang sabihin ni Onic, napulot at inampon siya ni Mang Emman noong apat na taong gulang siya. You remember the ranch worker who saved my life fifteen years ago? Siya ang tatay na tinutukoy ni Onic.” “Oh, my God! I can't believe this!" sambit ni Mrs. Irina na