MAY isang oras din yata akong nakatulog. Namulatan ko na lang si David na kapapasok lang ng pinto ng aking kwarto at may dala-dalang isang malaking tray. Diretso siya papuntang kama, at sa kabila ng nananakit na mga kalamnan at mahapding kaselanan, bumangon ako para alamin kung anong laman ng tray niya. Nakita ko roon ang mga niluto ko kanina. "I decided to bring our dinner here. Inutusan ko pa ang kasambahay na initin dahil lumamig na pala kahihintay sa atin." Hindi ako nakakibo. Nakadama ako ng hiya nang maalala sina Ate Libay. Ano kayang iniisip ng mga ito nang hindi man lang kami bumaba ni David para doon kumain ng hapunan? Noong isang gabi pa naman ay nag-uusap sila tungkol sa aming dalawa. "What's wrong? Hindi ka ba nagugutom?" he asked. "Medyo. Teka, anong oras na ba?" Niling