NAKANGITI si David nang tumayo at salubungin ako pagpasok ko sa kaniyang opisina. Kagagaling ko lang sa school ni Jackson. Nagdesisyon akong hindi muna umuwi ng bahay at bagkus ay puntahan siya. "Salamat, Bert," wika ko sa assistant ni David na naghatid sa akin doon. Ngumiti naman si Bert at iniwan na kami. Siya na rin ang nagsarado ng pinto. Hinarap ko si David. "Hi." He pulled me close for a kiss and embrace. "Ganito pala ang pakiramdam kapag binibisita ka sa trabaho ng asawa mo," sabi niya pagkatapos akong halikan at yakapin. "Anong pakiramdam? For sure it didn't surprise you at all." Bago kasi iyon, ipinaalam ko talaga muna sa kaniya ang aking plano dahil baka mamaya ay hindi makabuti ang pagpunta ko. Baka may meeting siya o kaya ay sobrang busy, ayoko namang makaistorbo. Pero na