"MA'AM, saan po kayo pupunta? Ibinilin ni Sir David na dumito lang kayo." "I need to pee," sagot ko sa bodyguard. "Nasa loob ang restroom." "Baka bigla na namang sumama ang pakiramdam n'yo. Sasamahan ko na kayo." "Kuya Gene, ayos lang ako. Ang hindi okay ay ang i-delay ko ang pagto-toilet kaya hayaan mo na ako. Babalik ako agad. Nasa restaurant lang ng hotel si David. Ako na ang bahalang magpaliwanag kung sakaling makita niya ako." Hindi na ako napigilan ng bodyguard. Lumabas ako ng sasakyan at nilakad ang papuntang entrance. Sa gilid kami ng hotel nag-park dahil aalis din naman kami kaagad. Nakapasok na si David kanina sa restaurant. Susunod naman ako at kailangan ko nang bilisan. "Good evening, Ma'am? Do you have a reservation?" "Uh, yeah. I'm with Mr. David Fuentabella. And we're