NAIA Terminal 2 SINALUBONG ako ng mainit at malagkit na hangin ng siyudad. That familiar noise and atmosphere— hindi ko akalaing na-miss ko rin pala ang Pilipinas. Two years in Paris, and now I am finally back. “David Fuentabella!” sigaw ng pamilyar na boses mula sa aking kanan. I smirked. Gremorie. Parehong polo, parehong yabang, parehong pilyong tingin at ngiti. Niyakap niya ako nang mabilis, pero ramdam ko agad na may mga bala na siya ng mga katanungan. “So,” wika niya habang naglalakad na kami palabas ng terminal, “sasabihin ko pa ba ang mga katagang ‘Welcome back’ o diretso na tayo sa interrogation?” Napataas ang mga kilay ko. “Whatever, Grem.” “Alright! So heto ang una! Ano ba talagang nangyari, Dave? Fake engagement with your doctor best friend Alexa, two years ago? Ano ‘yo