(ONIC) “MA...MA!” sambit ni Amiel habang isinasayaw sa harapan ko ang hawak niyang stuffed toy. Lumawak ang ngiti ko. Sa edad na mahigit isang taon, may iilang salita na siyang nabibigkas gaya ng 'Mama'. Nakaupo kami sa malapad na Persian rug sa sala. Sa tabi namin, nakakalat ang iba't ibang uri ng mga laruan—toy blocks, mga mamahaling stuffed animals, at ang maliit na drum na paborito niyang pinapalo. Mula sa malaking bintana sa living room ay tumatama ang huling sinag ng araw sa aming pwesto, pinapatingkad noon ang kulay ng buhok ni Amiel na animo balahibo ng uwak sa itim. He inherited it from his estranged father. "Ma... Ma!" pag-uulit niya dahilan para bumalik ang ngiti sa mukha ko. "Mama? You mean it's me? Is that me, huh, baby? Am I that cute?" Nakikipagbiruan ang tono k