MABILIS ang t***k ng puso ko habang iniikot ang ballroom. First big event ko ito bilang Operations Head ng Gourmet Project at hindi basta-basta ang mga guests. Sa bawat table, may nakikita akong kilalang mukha sa business world. Mga pangalan na kadalasan ko lang nababasa sa business section ng dyaryo, ngayon ay nandito at kumakain ng mga pagkaing ako mismo ang nag-monitor mula sa unang prep hanggang plating. “Check mo ulit ang centerpiece ng table seven, dapat fresh pa rin ‘yan hanggang matapos ang program,” sabi ko sa isa sa mga staff habang dumadaan. Ngumiti siya at agad tumango. Lumapit naman ang isa pang waiter. “Miss D, may request po si Mr. Tan. Gusto niyang ipa-refill agad ang wine sa table nila.” “Make it fast,” agad kong sagot. “And make sure tama ang label. Remember, no room f