(DAVID) "WE NEED to find him. Ginugulo na naman niya si Onic. Obviously, minamaliit niya ang kasunduang pinirmahan niya. Hindi siya natatakot kaya malamang na may sinasandalan siya. Gawin mo ang lahat ng paraan para mahanap si Zaldy." "Yes, Sir Dave." Hinanap ko si Onic pagkatapos naming mag-usap ni Bert. Jackson is now being prepared for the operating room. May initial findings na ang doktor dito. He is suffering from ruptured appendix. Delikado iyon at aminado akong nag-aalala rin para sa kapatid ni Onic. "Don't worry, okay? Magagamot nila si Jackson. He'll immediately undergo surgery. Magtiwala ka sa kanila." "This is unfair, David. Kung nasa pangangalaga ko si Jackson, maaagapan sana ito. Kung hindi ka sana nagmarunong at dinala si Jackson sa isang special institution, hindi mang