"WALA na bang paraan para mabago ang isip ni Mr. Silvestre?" tanong ni Gremorie. Nasa opisina ko siya ng umagang iyon at pinag-uusapan namin ang tungkol sa matatapos nang kontrata ng DXS Logistics sa matandang may-ari ng property. "Kulang isang taon na lang at matatapos na ang kontrata natin sa kaniya. Mas mabuti yata kung maghanap na tayo ng malilipatan ng warehouse?" "No," tugon ko sa suggestion ni Gremorie. "Hindi 'yon gano'n kadali." "Anong gagawin mo? Paano mo makukumbinsi ang matanda na i-renew ang kontrata?" "Ako na ang bahala, Grem. Just leave it to me." Nagusot ang noo ni Gremorie at may pagtatakang pinagmasdan ako. "May problema ka ba, bro?" I shrugged. "This is already a problem, can't you see?" "Hindi ito ang tinutukoy ko. I feel like there's something wrong with you. H