“ANO’NG gusto mong sabihin sa’kin, Sir?” tanong ko sa kaniya. Isang oras marahil bago umalis ng office si Sir David ay tumawag siya sa landline sa condo. Akala ko noong una, si Sir Bert ulit ang tumatawag. Nakadalawang tawag kasi sa akin ang assistant ni Sir David para alamin ang tungkol sa pagdating sa condo nina Miss Faye at ng kaibigan nito. Sinagot ko ang tawag. Nakilala ko agad ang boses ni Sir David. At daig ko pa ang nakipagtakbuhan sa bilis ng t*bok ng puso ko nang marinig ang boses niya. Hindi ko alam kung totoo ba o panaginip lang, pero bigla akong may naalala na hinalikan ko si Sir David kagabi. Napahinto nga ako bigla sa ginagawa ko. At sa buong maghapon mula nang pag-alis nina Faye at Jolens, dalawang bagay ang iniisip ko- ang tawag ni Tito Zaldy nang umagang iyon at ang m