NABULABOG ako sa malakas na pagbagsak isang bagay sa tubig ng swimming pool. Kasabay ng munting panic ay dumilat ako at mabilis na lumangoy paibabaw saka sumagap ng oxygen. "Ah!" Someone yanked me on my waist and pulled my body. Sa gulat ay nagpumiglas ako, subalit natigilan nang makilala ko ang taong pilit humihila sa akin. Namilog ang mga mata ko. "D-David?" "O-Onic?" He looked shocked. Kung paanong hindi ko inaasahan na makita siya ay parang hindi rin niya inaasahan na makita ako roon. At marahil nga dahil hindi ko naman sinabi sa kaniya kanina na magsi-swimming ako ngayong gabi. It wasn't in my plan. Naengganyo lang ako habang nasa balcony at nakatanaw sa swimming pool. Naisip kong bumaba at nang masubukan ang tatag ng aking baga sa ilalim ng tubig. "A-anong-" "Are you alri