ILANG katok ang umistorbo sa masaya naming pagkukwentuhan ni Lolo. Pareho kaming napalingon sa bumukas na pinto at mula roon ay dumungaw ang mukha ng dumating. Ngumiti ako. "Migs!" “Are you free? Oh, good afternoon, Sir Dom! Nandito pala kayo?” bati agad nito nang makita si Lolo sa aking tabi. “Yes, Miguel,” tugon naman ni Lolo na sinundan ng pagtayo mula kaya tumayo na rin ako. “Tumuloy ka na, hijo, at paalis na rin ako. I’m just waiting for Greg to fetch me.” “I’m already here,” wika ng kapapasok lang din na si Tito Greg. Nagbatian muna ang dalawa ni Miguel bago muling bumaling ang una kay Lolo. "Aalis na ba ulit tayo, Sir?" Nagusot ang noo ko at tumingin kay Lolo. “Aalis ka ulit, old man? Kararating mo lang, 'di ba? Is it about business?” “Just a simple dinner with a few colleag