WALA sa sariling kumuyom ang isa kong kamao habang inaalala ang nakaraan. Akala ko talaga ay katapusan ko na ng mga oras na iyon. Subalit isang ahas gubat ang biglang gumambala sa atensiyon ni Tito Zaldy at imbes na matakot, sinamantala ko agad ang pagkakataon. Nagawa kong sipain sa maselang parte nito si Tito Zaldy. Ubos-lakas na dahilan para siya maglulupasay habang pilit na pinatatamaan ng baril ang ahas na umaatake sa kaniya. Nagkumahog ako sa pagbangon. Narinig ko pa ang mga sigaw niya habang sinisikap kong makatakbo palayo. Hindi madali, lalo at nakatali pa ang mga kamay ko at wala akong panahon para unahin pa iyon. Ilang putok ng baril ang umabot sa direksiyon ko na sa kabutihang-palad ay hindi naman tumama sa akin, subalit dahil sa walang tiyak na patutunguhan ang aking mga paa, hu