Chapter 5

1612 Words
TAMA nga kaya na tinanggap niya si Soraya sa pamamahay niya. Matanong ang babaeng iyon. Isa pa hindi pa niya ito gaanong kilala. Pero sa tono ng pagtatanong nito at pananalita nito para itong nag-iimbestiga. Iba ang pakiramdam niya sa babaeng 'yon. Kaya minabuti niyang ipaimbestiga ito nang palihim. May kaibigan siyang nagtratrabaho sa NBI. Ipinaimbestiga niya ito kaagad dahil hindi siya mapakali. Isa pa baka magkatotoo ang hinala ni Manang Rosa kay Love Guadalupe nang una nitong makita ang dalaga. Kailangan niyang makasigurado na hindi ito espiya at mabuti nga talaga itong tao. Kasalukuyan niyang hinihintay ang email sa kanya ni Carlos ngayong araw. Mayamaya pa ay dumating na nga ang email nito na kanina pa niya hinihintay. Agad niyang binuksan ang message nito sa pc niya. Name: Love Guadalupe Age: 27 years old Citizenship: Filipino Residence: Tondo Manila Philippines Not a spy... Nangalumbaba siya pagkabasa no'n. Habang nakatingin sa simpleng larawan ni Love na nakatayo sa harap ng NBI. Tama nga si Paxton wala siyang dapat ikabahala kay Soraya. At kailangan niyang iwaksi ang mga alalahanin niya tungkol dito. Siguro ay talagang mausisa lamang ang dalaga at pakialamera. Isinara niya ang pc niya at itinago ang mga files na may kinalaman sa imbestigasyon niya rito. Hinigop niyang muli ang kapeng nasa tasa at saka nagpasyang umalis na sa opisina niya. Binitbit niya ang coat at suit pag labas niya. Nakasalubong niya si Osha na nagmamaktol. Kasunod nito si Love. Naasiwa siya sa pangalan nito kaya apelyido ang ginagamit niyang pantawag dito. "Darling, siya na ngayon ang bagong yaya mo. Ayaw mo ba sa kanya?" tanong niya rito tsaka ito binuhat. "I don't like her!" Masama ang tingin nito kay Love. "Darling, wala ka ng ibang yaya kun'di siya. At bukas na ang first day mo sa school. Tapos wala kang yaya, paano ka makakapsaok no'n? Gusto mo ba na si Tito Paxton ang kasama mo. Naku ang pangit pa naman no'n. Baka ma-bully ka lang." Napansin niya ang pagtawa ni Love. Kumunot ang noo niya. Corny ba ang joke na sinabi niya. "Pero..." tutol ni Osha. "Kung ayaw mo sa kanya. Papaalisin ko na lang siya," sersyosong aniya sa kapatid. Umirap muli si Osha. "No! I like her to be my yaya. But she doesn't called me Senyorita." Ngumisi siya. "Then asked yaya..." Lumapit si Love. "Sorry, Senyorita." "Okay. I will forgive you for today. And if you forgot to called me Senyorita again. I will fire you!" galit na ani Osha. Nanlaki ang mga mata niya. Napatingin siya kay Love na nakangiti. "Okay. Lets go now, senyorita." Kinuha nito si Osha sa mga bisig ko. Pumayag naman si Osha na magpabuhat dito. "Your heavy senyorita. Can you walk?" tanong ni Love sa kapatid niya. Humalukipkip si Osha. Tinanguhan niya na lamang si Love nang ibaba nito ang kapatid niya. Mukhang mabilis na makakasundo ni Love ang kapatid niyang maldita. NAIINIS si Soraya sa demonyita niyang alaga. Napakabata pa pero feeling trenta na. Naglupasay pa ito nang ibaba niya at nagalit nang makalimutan niya na dapat tawagin niya itong senyorita. Naalala niya noong bata siya tulad nito. Kahit pa mag-isang anak siya ay hindi man lang niya naranasan ang ganitong buhay. Akala naman ng batang ito ikamamatay na ang hindi pagtawag ng senyorita rito. "Ms. Guadalupe!" Sigaw ni Art. Isa pa itong masama ang ugali. Napakakunsintidor na kapatid. "Sorry po, sir." Nagyuko siya ng ulo 'wag lamang siyang sisantehin. Alang-alang sa leave niya sa Agency na isang buwan. "Ikaw na ang bahala kay Osha. At please lang hayaan mo na lang siya. Pagpasensyahan mo na lang." Sabi niya, e. Linapitan niya si Osha ngunit tumakbo ito papasok ng kuwarto nito. Aba! Nag-walk out! Nang dadalawa na lamang sila ni Osha sa itaas ay umusok na ang ilong niya. "Malditang bata talaga," bulong sa sarili. Nagtagal siya ng kalahating oras bago siya nito pinagbuksan. "Come in!" Padabog na isinara nito ang pinto. Nagtaas pa ito ng paa habang nakaupo sa kama nito. Nakataas din ang kilay nito. "Sabi ni Kuya. Kailangan mo akong tawaging senyorita. But you always called me. Osha!" bulyaw ni Osha sa kaniya. "Yes! Dahil 'yon ang tama!" bulyaw din niya rito. "I hate you!" Matalim na tumingin ito sa kaniya. "Then just hate me. Besides I'm your yaya. If I leave you today. Wala nang mahahanap ang kuya mo na kasingganda ko." Nginisihan niya ito. Natigilan ang bata sa sinabi niya. "Your kidding." "No. I'm not!" Umiling siya at sumandal sa pinto. Nilapitan siya nito. "Hm! Kapag boss mo ako you should follow my instruction carefully and listen." Nakapameywang pa ito sa harapan niya. "Okay, senyorita!" sagot niya. "Galit ka?" taas kilay nitong tanong. Hindi niya lubos maisip na ang isang anim na taong bata ay ganito mag-isip. Nakakatakot ito kapag lumaki. "You know what? Instead of giving a instructions can you please listen. Alam mo may nabasa akong story. May isang witch daw na nangunguha ng bata. At ang mga batang kinukuha ay kinukulong sa mahiwagang libro. Nangyayari 'yon kapag hindi marunong gumalang ang mga bata na tulad mo. Pagkatapos kunin ay ginagawa itong mga manika o kaya itinatapon sa basurahan," natatakot na aniya habang nakatingin sa paligid. Natigilan ito. "It's not true!" "It is. Kung ayaw mo bahala ka. Sige iiwan na muna kita rito." Pananakot ni Soraya rito. Pipihitin na sana niya ang seradura nang yakapin siya ako. "Okay. Good girl na ako," natatakot na sabi nito. "That's good. Ayoko pa naman na kunin ka ng witch at kainin ka niya o gawing laruan." Nilingon ni Soraya ang batang maldita. "Please stay. Maliligo lang ako. And then can we play?" tanong nito sa kaniya. Naiiyak na sa takot ang bata kanina. Buti na lang at mabilis niya itong nilapitan. Mahirap na baka ma-trauma pa ito kasalanan niya. "Okay, senyorita," nakangiting sagot niya. "Don't call me senyorita. Osha will be fine." Tinalikuran siya nito. Ngumiti siya ng malapad. Okay mission accomplished. Mukha namang mabilis siyang mang-uto ng mga bata. Isang attitude na ngayon niya lang nalaman. Jeez! Naghihintay siya sa labas ng banyo dahil naliligo pa rin si Osha. Sinabi kasi nito na bantayan niya ito baka lumabas ang witch. Natawa na lamang siya sa tindi ng kalokohan na ginagawa niya mapaamo lang ang batang iyon. Maingat niyang binuksan ang mga drawers ng kabinet nito. Baka sakaling may nakatagong ebidensiya rito. Wala siyang nakitang CCTV sa loob ng kuwarto ni Osha. Teka ano nva bang alam ng batang iyon? Napakamot siya sa kanyang ulo. Ibinalik niya ang mga envelopes ni Osha na may lamang mga school activities. Ngunit may isang larawan na nalaglag mula roon. Isang masayang larawan nina Art, Lexi at Osha. Sinuri niya ang larawan wala siyang masabing hindi maganda. Basw sa nakikita niya sa mga larawan na nakita pa niya no'ng nakaraan. Hindi talaga masasabing si Art ang pumatay sa nobya nito. Mukhang may foulplay na nangyari. Napailing siya. Baka nga tama ang kutob niya noong una. Na may kinalaman sa trabaho, third parties o droga ang pagkamatay ni Lexi Santillan. Sa initial findings ng SOCO. Lumabas na internal bleeding sa ulo nito ang ikinamatay ni Lexi. At may semen din na nakuha sa p********e nito. Ipinasuri na iyon sa lab test kaya lumabas na ginahasa si Lexi bago pinatay. Hindi naman nag-match ang semen ni Art sa nakuha mula kay Lexi. May isa pang sachet ng droga ang natagpuan sa loob ng bag napag-aari ni Lexi. Pero hindi pa rin tumitigil ang Intel sa krimen na ito. Kung bakit napunta ang katawan ni Lexi sa harapan ng bahay ni Art. Noong gabi na kasama niya rin ito. Ibabalik na sana niya ang larawanan nang lumabas si Osha mula sa banyo. Naka-robe pa ito na animo'y dalaga na. "Ang ganda po niya hindi ba?" tanong ni Osha na tumabi sa kaniya. "Yes. She is," sagot naman niyang nakatingin sa larawan. "Siya si Ate Lexi. Fiancée siya ni Kuya Art, kaso pinatay siya ng mga bad guys." Umiyak ito. Niyakap naman niya ito. Parang kinurot ang puso niya. "She took care of me and kuya. Siya ang palagi kong kalaro kapag wala si kuya." Napabuga siya ng hangin. "Nandito naman ako p'wede tayong maglaro ng baril-barilan este barbie dolls. P'wede mo akong maging buddy kung gusto mo?" Nagningning ang mga mata nito at niyakap siya. "Thank you, buddy. But why you scared me?" "You deserved it. I mean--- gusto ko lang maging mabuti kang bata like me." Ginulo niya ang buhok nito. "Really?" paniniguradong tanong ni Osha. "Yes po. Masama kasing nagdadabog ka sa harapan ng matatanda. Masama rin na umasal ka na parang hindi ka bata. Alam mo ba na magagalit si angel sa ginawa mo. At sa tingin mo makakakuha ka pa ng gift mula kay Santa sa pasko?" Kinindatan ito ng dalaga. "Sorry," mahinang sabi ni Osha na yumuko pa sa harapan niya. "Its. Okay. Inihanda ko na pala ang susuotin mo... charan!" Sabay labas ng plain white t-shirt at maong short. "Im not a boy!" reklamo nito sa inihanda niyang damit. Napakamot siya sa batok. Ganito lang naman pormahan niya noon. Hindi naman tumanggi si Osha. Kinuha nito ang damit at pumasok sa kabilang kuwarto pa para magbihis. Sa loob ng kuwarto ni Osha apat ang silid. Para sa banyo ang isa. Para sa lagayan ng mga damit nito at sapatos at ang fitting area na sa mall lang niya nakikita. Daig pa ng kuwarto ni Osha ang bahay na tinitirahan niya ngayon sa Tondo. Lumabas ang bata na nakabihis na. Sinuklay niya lang ito at hindi na nilagyan ng palamuti sa katawan. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD