Chapter 6

1517 Words
KUMAKAIN ng meryenda su Osha sa may garden. Habang pasimple niya namang tinitignan ang labas ng bahay. Napansin niya kasi ang kotse ni Rima. Mukhang naroon ang kaibigan niya. Kitang-kita ang sa may bakod ang tao sa labas dahil abot tanaw lamang ang bakod. Kunsabagay maraming bodyguards ang nakapaligid sa bahay ni Art. Umilaw ang relo niya na isang communication device na nakakonekta sa microchip earpiece na nasa tenga niya. "Baks, hello!" si Rima na nasa kabilang linya. Pumasok siya sa loob bahay pero biglang nawala ang koneksyon. Nagtungo siya sa halamanan. Nakapagtataka na wala pa lang koneksyon sa loob ng bahay. "Baks, nariyan ka pa ba?" pabulong niyang tanong. "Okay ka ba riyan, baks. Sabihin mo kapag delikado ka at resbak na kami nila Prime." "Okay lang ako, baks. Syangapala mamayang gabi magkita tayo sa apartment. Gagawa ako ng paraan para makapagpaalam ako. Tsaka na lang tayo mag-usap mahigpit kasi sila rito." "Sige. Ako na ang bahal may kailangan din akong sabihin sayo tungkol sa kaso." Agad niyang ini-off ang relo niya at kunwari'y nag-aalis ng tuyong dahon ng halaman habang kumakanta. "Ikaw sana ang aking yakap-yakap. At ang iyong kamay ang aking hawak-hawak. At hindi kanya... at hindi kanya..." "Magaling ka pa lang kumanta, Miss Maganda," puri ng lalaki. Ngumisi siya. "Kayo naman. Maliit na bagay lang." Tinawanan niya ang lalaki at kasama nitong sumunod dito. Tinalikuran niya ang mga ito para punasan ang butil-butil niyang pawis sa noo. "Muntik na ako do'n," bulong sa sarili. HININTAY niya na dumating si Art para personal na makapagpaalam ngayong gabi. Bahala na kung ano na namang maipalusot basta ba makalusot lang. Kailangan niyang makausap si Rima asap. Para makumpirma niya na tama ang kutob niya na may foulplay nga nangyari sa pagkamatay ni Lexi Santillan. Isa pa nahihirapn na siyang alagaan si Osha. Nakakaubos na rin ng pasesya ang pagiging O.A nito. Kahit na nga nakuha niya ang loob ng batang 'yon nahihirapan pa rin siyang pakisamahan ito. Para kasi itong matanda kung magsalita. Mag-iisang linggo na siya sa poder ni Art pero nagiging mabagal siya sa pagresolba ng misyon. Hindi yata siya prepared dahil nawasak ang puso niya bago sumabak sa misyon na ito. Kaklulado na rin ang oras niya sa pananatili sa bahay na ito. Mukhang anumang oras mabitag na siya kung hindi pa siya kumikilos. Dalawang oras siyang naghintay bago ito dumating. Kasama nito sina Paxton at Dave. Hindi siya nakasuot ng uniprme niya bilang yaya ni Osha. Suot niya ang damit noong mabangga siya ng mga ito. Dahil 'yon pa lang ang damit na meron siya maliban sa mga undies. "Good evening, sir," magalang niya rito. "Sir, magpapaalam po sana ako kung p'wede akong umuwi ngayon sa bahay namin. May sakit kasi ang nanay ko at walang magbabantay sa kanya ngayon." Naisipan niyang idahilan. "Sige, Ms. Guadalupe. Ipapahatid kita kay Paxton." Nag-abot ito ng pera limang libong piso. Tinanggap niya iyon para hindi ito makahalata kapag tinanggihan niya. "Gabi na kasi at mahirap maglakad mag-isa sa daan." "Salamat, sir. Malaking tulong ito sa nanay ko." "Kanino mo nga pala nalaman na may sakit ang nanay mo?" Tumingin siya sa isang guard na hiniraman niya ng cellphone kanina. Naisipan na niya na magtatanong ito kaya minabuti na niyang gawan ng paraan. Kailangan pa niyang umakting kanina para lang maging makatotohanan. Kahit na ang tinawagan lamang niya ay si Rima. "Ako ang nagpahiram ng cellphone sa kanya boss. Naawa kasi ako dahil miss na daw niya nanay niya. Isa pa may sakit daw ito. Nakakaawa si Love, e." "Ganoon ba," matipid na sagot ni Art. Mukhang hindi yata ito naniniwala. "Ihatid mo na si Ms. Guadalupe sa bahay nila Paxton." Utos nito. "Masusunod, bossing," sagot ni Paxton. "Pumasok ka na lang ng maaga, Ms. Guadalupe. Nangako kasi ako kay Osha na ipapasyal ko siya bukas. Kailangan mo siyang samahan dahil may importante pa akong kikitaing kliyente." "Opo, sir." Sumenyas si Art sa kanila ni Paxton. Lumabas sila ng bahay. Ipinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse. At sa unahan pa siya nito pinaupo. "Saan ka pala nakatira ngayon?" tanong nito. "Sa Guadalupe Avenue," matipid niyang sagot. "Siguro sweet ang mga magulang mo, no. Kasi ipinangalan sayo 'yong street na iyon." "Apelyido ko 'yon." Tumawa si Paxton. Nakitawa na rin siya kuno. Ano kaya kung bigwasan niya ang bunganga ni Paxton para magtigil lang sa kakasalita. "Namimis mo na ang mga magulang mo, no?" "Oo naman. Ikaw ba hindi mo ba namimis ang pamilya mo?" "Namimis ko sila kaso wala na sila. Nasa heaven na." "Ulila ka na pala," malungkot na sabi niya. "Oo, namatay ang mga magulang ko noong Martial Law." Tumawa itong muli. "Dito mo na lang ako ibaba." Inihinto nito ang kotse. Balak pa sana nitong pagbuksan siya pero tinanggihan na niya ito. "Sigurado ka ba okay ka na dito?" "Oo naman. Aayain sana kitang magkape kaso late na. Isa pa baka hinahanap ka na ni sir." Sumimangot ito. "Sige sa susunod na lang na ihatid kita, Ms. Maganda. Aasahan ko ang kapeng kasing tamis mo." "Walang problema sa akin." Lumabas ito sa kotse. Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan iyon. Sa nakikita niya kay Paxton may pagnanasa ito sa kanya. Mukha nga itong manyak. Naku baka mapatay pa niya ito. Ibinaba nito ang kamay niya. At marahang pinisil iyon. "Ingat ka Paxton," malambing na sabi niya rito. Pumasok ito sa kotse at nginitian pa siya nito. "Susunduin kita bukas ng maaga, Ms. Maganda." Tinanguhan niya ito. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba. Posible nga kayang si Paxton ang maaring maging suspek sa pagkamatay ni Lexi Santillan. "ANONG problema, Rima?" tanong niya rito nang madatnan itong hindi mapakali sa loob ng apartment niya. Binuksan nito ang bag nitong dala at kumuha ng dalawang beer. Initsa nito ang isa sa kanya. "Si Supremo nagbalik na sa Agency." Nanlaki ang mata niya sinabi nito. Kinabahan siya. Takot ang naramdaman niya. "Nagulat nga rin ako kanina nang sabihin ni Prime na kay Supremo na tayo magri-report simula bukas. Dahil hindi na hawak ni Prime ang investigation kun'di sa intelligence department na lang. Isa pa may importanteng mission si Prime kaya hindi nito magampanan nang maayos ang tungkulin. Binuksan niya ang beer na ibinigay ni Rima. " Hindi pa tayo nakakausad sa kasong hinahawakan natin si Supremo na ang magiging head natin. Kapag minamalas ka nga naman, oo." "Ano ng gagawain natin ngayon, baks?" tanong ni Rima na bakas ang pag-aalala. Uminom siya ng beer at tumingin sa malayo. Kilala niya ang papa niya. Ang lahat nang sasabihin nito ay batas na kailangang sundin. At wala silang magagawa ni Rima kun'di magmadali kung hindi'y papalitan sila ng ibang agents para magimbestiga sa kaso. Iba pa naman si papa kung mamuno. Hindi nito gustong natatagalan ang usad ng kaso. Hindi rin nito gustong pumapalpak siya dahil kahihiyan nito ang nakasalalay. Sina papa o Supremo at Prime ang unang nagtayo sa La Una Agency. Pero nangibabaw ang kumpetasyon kaya naman nabuwag noon ang samahan. Si Prime ang pinakabatang miyembro ng La Una na sumama kay papa para gumawa ng bago nilang Agency, at ito ay ang Primer Agency. Na kinabibilangan nila ni Rima. "Hindi ko alam kung ano ang magagawa natin sa ngayon, baks. Kabisado ko si papa, hindi nito gustong pumalpak tayo. Matagal na ang isang buwang palugit para sa usad ng kaso. Kailangan may magawa na tayo." Binuksan nito muli ang bag nito at kinuha ang laptop nito doon. Umupo siya sa tabi ni Rima. Ikinabit nito ang USB. "Nagkausap kami ni Supremo kanina. Sinabi ko ang ginagawa natin. May tiwala naman siya na kaya natin kaso binigyan na lang tayo ng dalawang linggo. Pagkatapos no'n at wala pa tayong nagawa papalitan na tayo nina Fiero at Jonas. May nakita nga pala akong dagdag sa ebidensya. Ito ang kuha mula sa CCTV sa tapat ng bahay ni Mr. Briton." Kinuha niya ang laptop at tinignang mabuti ang bawat anggulo. "Makikita mo na alas singko ng hapon umalis ang sasakyan ni Mr. Briton. Lulan no'n si Ms. Santillan. Sa ikalawang CCTV, bahay ni Mrs. Asunsion. Makikita ang mabilis na pagpapatakbo ng kotse. Dakong alas onse ng gabi, dumating ang isang puting kotse sa tapat ng bahay ni Mr. Briton. Pagkatapos no'n putol na ang CCTV footage. Dalawang oras ang pagitan makikita na lamang ang katawan ni Ms. Santillan na nakahandusay na sa tapat ng bahay ni Mr. Briton. Duguan at wala ng buhay." Naguluhan siya. "Kung walang kinalaman si Mr. Briton. Bakit siya ang idinidiin sa kaso. Hindi kaya may taong nasa likod nito. Si Mr. Damascus. Tingin ko may kinalaman siya." Tumango-tango ito. "May motibo ng pagpatay at may posibilidad din na third party. Wala namang nawala sa gamit ni Ms. Santillan. Isa pa baks, may droga sa bag nito. Malakas ang kutob ko na may kinalaman din ang illegal na negosyo ni Mr. Briton." Tama si Rima. Ngayon mas lalo tuloy siyang naghinala kay Paxton. May inililihim kaya ito o may kinalaman ito sa pagpatay at panggagahasa kay Ms. Santillan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD