Chapter 7

1256 Words
TINABIHAN siya ni Rima at kumuha muli ng isa pang beer. "May naisip ka bang posibleng lead natin sa kaso?" Umiling siya dahil hindi pa naman niya sigurado kung tama ba ang hinala niya tungkol kay Paxton. "Kumusta naman ang pagiging yaya mo kay Osha?" Napangiwi siya. "Ngayon lang ako nakakilala ng batang bruha, baks. Grabee! Noong bata ako hindi ko man lang naranasan na magbuhay señorita. Pero 'yong batang yun gusto niyang tawagin ko siyang senyorita. Tapos sinigawan pa ako, sinigawan ko rin siya. Kaya nga tinakot ko na." "Tangina, baks. Para kang tanga niyan. Bata lang pinapatulan mo!" "Eh, namumuro na. Naging unica iha naman ako ni dad. Pero never akong nakaranas ng special treatment. Naranasan nga nating matulog sa lapag dahil sa ingay natin noong highschool tayo." Naalala niya gumagawa sila ng project nila noon sa bahay niya. Tapos dumating si dad, pinagalitan kami at hindi pinaakyat sa itaas. Tumawa si Rima. Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha nito. Mukha na talaga itong lalaki sa porma at ayos nito ngayon. Nangiti siya sa naiisip na plano niya ngayong gabi. "Baks, naalala mo 'yong Seven Dragon Club na ikwenento mo sa akin. 'Yong club kung saan nakitang magkasama si Ms. Santillan at Mr. Briton?" Kumunot ang noo nito at ibinaba ang beer. "May balak ka bang mag-under cover ngayon? Teka hindi natin 'yan na-report kay Supremo." "Ako na ang bahalang magpaliwanag bukas." Nangislap ang mga mata niya. "Ano bang naiisip mo! Akala ko pa naman sa susunod pang araw ang under cover mo. Tsk!" "Ako bahala, baks! Ayusan mo ako gaya ng dati." Bumuga ng hangin si Rima. "Ikaw bahala tapos ako makakawawa?" Mahina niyang tinapik ang pisngi ni Rima. "Parang ganoon na nga." Nagtaas ito ng kilay. "Ano namang alam ko sa pag-aayos?" Pinandilatan niya ito. "Ako na nga lang. Nagawa ko nang mag-under cover bilang GRO noon sa club. Kaya magagawa ko ulit 'yon ngayon. Tsaka kasama naman kita." "Seryoso ka! Magsusuot din ako ng ganyan?" Tukoy nito sa two piece na damit. Tumango siya. "Syempre!" "Matatapakan ang p*********i ko, baks." Reklamo nito. Initsya niya ang damit dito. "Ngayon lang naman tsaka hindi mo 'yan ikakamatay! Kaya halika na sa kuwarto. Tulungan mo akong mag-ayos." Napilitang tumango si Rima. Nagkamot ito ng batok bago pumayag sa sinabi niya. Tiyak magagalit si dad pero kailangan namin ng ebidensya. Isa pa magagalit din naman ito kapag walang usad ang kaso. Ayaw niyang ipahiya siya nito at mapahiya sa harapan nito mismo. Ibinaba ni Rima ang basyo ng beer. Pagkatapos ay kinuha nito ang back pack nitong dala papasok sa kuwarto. Ibinuhos nito ang laman no'n sa kama. Naroon ang make up set niya, wig, fake eye lashes at mga seksing damit. Naroon din ang two inches sandals niya na ikatlong beses pa lang niyang isinuot mula nang mabili niya ito sa bangketa. Susuong sila ni Rima sa kweba ng kalaban. Kaya kailangan nilang maghanda. Haharapin nila si Mr. Damascus ang taong gahaman sa pera at kapangyarihan. ********** Tinitigan niya ang sariling repliksyon sa salamin. Isinuot niya ang wig na kulay blonde na hanggang balikat niya ang haba. Bumagay sa pigura ng katawan niya ang suot niyang bra na may sequences at kung ano pang palamuti sexy short ang pang-ibaba niya na kulay pula rin. Bakat na bakat ang pwet niya. Lumabas ang itinatago niyang alindog. Sinong makapagsasabi na siya si Agent 88. Minsan na niyang ginawa ang maging dancer at GRO sa bar para lang makakuha ng ebidensya at muli niya iyong gagawin 'yon ngayon. Nakahanda siya sa kahit anong mangyari maging buhay pa niya ang maging kapalit. "Ready ka na ba?" tanong niya kay Rima na panah mura sa suot na dress na kulay black. "Bagay na bagay sayo, baks." Hinawakan niya ang pweg nito. "Wag kang ganyan, tangina." Tinawanan niya ito. Isinuot niya sa tenga niya ang maliit na bluetooth speaker na nakakonekta kay Rima. Nakahanda ang back up nila mula sa Primer kapag may nangyaring hindi maganda kung sakali mang may mangyaring masama sa kanya. "Halika na! Lets go!" "Mag-ingag ka sa loob, baks. Alam na gagawin kapag nagkaalaman na." Paalala nito. Tumango siya. "Oo, baks. Wala kang dapat ipag-alala. Everything is under my control." Ngumisi siya rito. "Lets go!" Lumabas sila sa apartment nila. At sinigurado nila na walang nagmamanman sa kanila. Pasado alas onse na ng gabi. Pailan-ilang tao na lang ang dumaraan. Muli niyang pinakapal ang lipstick niyang pula upang maging mas daring ang dating. Nagmamaneho na si Rima ng kotse nito nang balingan siya nito. "Tiyak na iti-table ka ng mga dayuhan kaya ingat ka." Iniabog nito ang maliit na baril na kasing laki lamang ng lancheta. Ginagamit nila 'yon ni Rima kapag emergency. Isinuksok niya iyon sa panty niya. Tsaka inilagay ang panyo sa parteng 'yon. Hindi mahahalata kapag hinawakan ng mga parokyano. Kinakabahan siya pero bahala na. Tutal ginagawa nila ito para sa kapakanan ng ibang tao. PAGPASOK nila sa Club ay sinalubong agad sila ng entertainer. Pinagkaguluhan sila ng mga lalaki na naroon may agad na lumapit para i-table siya. Si Rima ang dumiskarte para makapasok sila. Pineke nito ang katauhan na naman nilang dalawa. Ipinalabas nito na sila ang ipinadalang dancers ngayong gabi. "Baks, dito muna ako sa gilid." Tinanguhan niya ito. "Madam, kayo ba ang ipinadala para magsayaw ngayong gabi?" Bungad sa kanyang tanong ng isang bakla. Sa tingin niya isa ito sa pinagkakatiwalaan ni Damscus. "Ako nga madam." Pilit ngiti niya. Hinawakan siya nito sa kamay. "Dito ka muna sa backstage madam, bawal ka sa labas. Baka kasi makursunadahan ka pa." May iniabot itong sachet sa kanya. "Oh, mag-relax ka muna. Okay?" Kinuha niya iyon. Kumuha siya ng bubblegum sa may platito na naroon sa lamesa. "Ang ganda mo naman. Ikaw ang pinakamagandang dancer na nakilala ko. Tiyak na tiba-tiba ka rito." "Gano'n ba. Wow! Tamang-tama kailangan ko kasi ng pera. Alam mo naman kabuhayan natin 'to." "Kung gusto mo pagkatapos mong mag-perform mamaya magpa-table ka." "Ay bet ko 'yan, gurl." Tuwang-tuwa ang bakla sa kanya. Mas matutuwa ito kapag nagkita silang muli sa kulungan. "Ano ang pangalan mo?" "Ako si Shantal Gomez." Pagpapakilala niya. "Relax ka muna, ha." Nagpaalam ito. Sinabi rin nito na tikman na niya 'yong gamot pangpalakas loob. Itinabi niya 'yon sa may dibdib niya. At sinabing sa kama na lang. Nagustuhan pa nito ang sinabi niya. Mayamaya ay tinawag na ang pangalan niya. "Ms. Shantal Gomez. Ikaw na ang susunod." Inilahad nito ang kamay sa kanya. Tinanggap niya 'yon habang pumapasok sa stage na natatakpan ng kurtina. Namatay ang ilaw isa-sa. At tanging sa kanya nakatutok ang spotlight. Nagsimula ang kantang señorita. Pole ang nasa gitna ng stage. Nagsimula siyang hawakan iyon, pataas at pababa. Sa bawat paghampas ng bewang niya ay kinakagat niya ang labi niya. Inikutan niya ang pole pagkatapos ay itinaas ang kanyang paa roon. -Like oohh lalala.- Pagkatapos ng mainit na sayawan ay nilapitan siya ng entertainer. "Good job!" Bati nito sa kanya. Bumaba siya at kumuha ng drinks. Hinawi niya ang peke niyang buhok na tumakip sa mukha niya. Umupo siya sa bakanteng silya at ipinatong ang binti sa hita niya. Kitang-kita ang paglalaway ng mga lalaki sa alindog niya. Nilalapitan siya ng mga ito pero hinaharang naman 'yon ng mga bouncer. Maliban sa isang lalaki na lumapit sa kanyam nakashory lang ito. Tulad niya itong dancer. Pero laking gulat niya nang makita ang guwapong mukha nito na kilalang-kilala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD