Chapter 8

1173 Words
KANINA pa hinihintay ni Art si Paxton ngunit wala pa rin ito. Nakalimutan yata nito ang usapan nilang dalawa. Kaya naman kay Dave na assistant na lang niya siya nagpasama para magtungo sa Seven Dragon Club. Inimbita siya ni Mr. Damascus dahil special daw ang gabing ito para rito. Marahil ay para iyon sa lagay ng investment o 'di kaya'y negosyo nito. As usual may mga bagong babae na naman sa club. Hindi siya magtataka kung naroon ngayon si Paxton. Dahil mahilig din ito sa mga babaeng bayaran. Sa kanyang isip hindi niya maalis na isipin si Love. Naikwento sa kanya ni Osha kung paano siya nito alagaan. Ngayon lang nagkwento si Osha tungkol sa yaya nito. Nagtaka siya dahil ngayon lang ito nagkwento. Weird na tawagin itong Love dahil sa pangalan nitong 'yon. Hay, kung bakit ba kasi Love ang pangalan nito. "Sir, nakahanda na po ang kotse," sabi ni Dave. Tumango siya. "Susunod na ako." Nakasuot lang siya ng plain na white t-shirt na v-cut. At tattered na maong jeans. Tutal hindi naman business ang pupuntahan niya. Isinuot niya ang hi-cut niyang adidas rubber shoes na kulay brown bago pumunta sa kinaroroonan ni Dave. "Sir." Habol ni Manang Auring. "Bakit, manang?" "Anong oraa kayo uuwi, sir?" Sinipat niya ang relo. Alas onse y medya na. "Paggising mo sa umaga manang." Nginitian niya ito at nilampasan na. "Si Paxton ba talagang hindi na makakabalik?" paniningurado niya. "Naku, sir. Baka nasa bahay na ni Love si Paxton, sir. Dahil sa tingin ko mukhang gustong-gusto ni Paxton ang bagong Yaya ni Osha." Kumunot ang noo niya. "Nililigawan ba ni Paxton si Lo---- Ms. Guadalupe?" "Oo yata, sir." "Kunsabagay. Kailangan na ring magtino ni Paxton." Ngumiti si Dave. "Kayo ba, sir? Hindi ba ninyo bubuksang muli ang puso ninyo para magmahal?" Pumasok siya sa kotse. "Kapag may nahanap na akong mas hihigit kay Lexi." Tumawa si Dave at pumasok na rin sa kotse. "Kayo ang bahala, sir. Mukhang mauuna na si Paxton niyan." Sa sinabi ni Dave ay nag-isip siyang bigla. Tama nga namab ito ngunit paano naman niya tuturuan ang puso niyang magmahal. Kung ang tanging laman ng puso niya ay si Lexi. Kung hindi siguro namatay si Lexi. May anak na siguro sila ngayon at namumuhay ng masaya. Napabuga siya ng hangin at sumulyap na lamang sa bintana ng kotse. Siguro sa ngayon hindi na lang muna siya magmamahal. Pero bakit para siyang balisa nang malaman na may gusto si Paxton kay Love. ******* NAPALINGON si Soraya sa lalaking lumapit sa kanya. Kilalang-kilala niya ito dahil sa tagal ng pinagsamahan nilang dalawa. Tinabihan siya nito ng upo at itinapat ang labi sa tenga niya. "Hindi ka pa rin nagbabago, Soraya. Maganda ka pa rin at sexy." "Umalis ka na rito," mariing sabi niya ngunit mahina lamang. May dumaraang waiter kaya pinapakalma niya ang sarili niya. Nakangiti pa rin siya. "May mission ka rin ba?" tanong nito na tumingin sa kanyang kabuuan. "Oo, alam ko na hawak mo rin ang kasong ito. Kaya bakit mo ako nilalapita," masungit na turan niya at tinabig ang kamay nito na nasa balikat na niya. "Agent 88. Nanditi ako para sa mission ko. Alam ko na tulad ko may sinusubaybayan ka ring kaso. Ang pinagkaiba nga lang magkaibang tao. Ngunit iisang lugar lan." Ngumisi ito. Kumuha ito ng wine at itinungga iyon. "Umalis ka sa tabi ko," mahinang sabi niya. "Kailangan kong makasiguro na hindi tayo parehas ng mission, na hindi si Damascus ang pinupuntirya mo." Tumayo na ito at nginitian pa siya. Tumayo rin siya at niyakap ito. "Hindi! Dahil hindi mo ako katulad. Hindi ako manggagamit! Hindi ako manloloko! Nagtataka nga ako kung bakir kahit pati mission, e. Sinusundan mo pa ako." Hinapit siya nito sa bewang. "Hindi mo ba ako pasasalamatan na dahil sa akin hindi ka nabuko ng amo mo. Na ng dahil sa akin buhay ka pa ngayon." Kumunot ang noo niya at marahang itinulak ito. "Anong sinasabi mo?!" Hinapit siya muli nito sa bewang. "Pinaiimbestigahan ka niya " Napalunok siya. "Hindi 'yan totoo." "Magkaiba na nga tayo, 88. Pero worried pa rin ako sayo. Worried sayo ang ex-boyfriend mo. Hindi ba nakakatuwa 'yon?" "Kayson, kahit kailan hindi ka naging worried sa akin. Ginamit mo lang ako para mapataas ang rangko mo. At maging isa kang kagalang-galang na NBI Agent. Samantalang ako heto pipitsuging Secret Agent lang. Let me go!" Itinulak niya ito. "Bitwan mo ako!" "No. Not this time. Just act n kunwari nagkakagustuhan ang dalawang dancers." Sinampal niya ito. Nilapitan sila ng mga bouncer at nagkunwari namang lasing si Kayson. "Sir, lasing na kayo?" sabi ng isang bouncer. Tumalikod lang si Kayson. Wala na itong ibang sinabi. "Bakit naman ako paiimbestigahan ni Art?" bulong niya sa sarili. Inayos niya ang suot niya. Kumuha siya muli ng isang basong wine. May mga lumalapit na ibang customers sa kanya. Ngunit hindi na niya pinansin isa pa nakaharang sa kanya ang mga bouncers. Kinausap muli siya ng baklang entairtainer manager. Na nagpakilalang si Pau. Sinabi nito na magpapalit siya ng damit. Isang sexy na damit na kulay red. May mahabang manggas na para bang isang bathing suit. Napatanga siya sa damit na nasa harapan niya. Ibinigay sa kanya ang kadena na hahawakan niya mamaya. Nagpalit siya ng damit sa cr. Muli niyang isinuksok ang baril niya sa bandang dibdib niya. Ipinahiga niya iyon para 'di gaanong halata. *************** PAGPASOK niya sa club napansin niya na nagkakagulo sa paligid. May isang show na nagaganap na tinitilian ng kapwa niya kalalakihan. Tumingin siya sa stage. May bagong apple of the eye pala si Damscus ito ba ang sinasabi nito sa kanya. Nagsasayaw ito habang hawak ang kadena. Matangkad at maputi ang babae. Sa tindig nito walang sinumang lalaki ang hindi mapapatingin sa babaeng 'yon. Ngayon lang niya nakita ang babaeng 'yon. Siguro ito ang bagong alaga ni Mr. Damascus ngayon, mukhang tiba-tiba na naman ang matandang negosyante. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Mr. Damascus at ang ibang businessman na kasam nito. Ang VIP area. "Umupo ka, Art. At mamaya ipapakilala kita kay Shantal." Itinuro nito ang babae nito na pinangalanang Shantal. May mga babaeng nakaupo sa hita ni Mr. Damascus. Pati na rin ang mga kasama nito. Umupo sa 'di kalayuan si Dave. Nagsimula na rin itong uminom ng alak. "Hindi babae ang ipinunta ko rito. I thought may mahalaga tayong pag-uusapan," seryosong sabi niya. Tumawa ito at inabutan siya ng isang hard core drinks. "Art, mamatay ka sa pera at hindi sa saya," tukso nito. Inabutan pa siya nito ng isang sacher na droga. Ngunit hindi siya gumagamit ng ganoon dahil alam niyang makakasama 'yon sa kanya. Lalo na't hindi pa rin tapos ang kaso niya kay Lexi. Kahit alam niyang illegal ang negosyo ni Damascus ay pinasok pa rin niya ang negosyo nito para mag-invest ng pera. Hindi para kumita kun'di para maghanap ng ebidensya tungkol sa pagkamatay ng kanyang fiancée. Kailangan niyang kaibiganin si Damascus kapalit man no'n ang kaligtasan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD