NILAPITAN ni Soraya ang kinakaupuan nina Mr. Damascus at Art.
Nangangatog ang tuhod niya habang palapit sa mga ito. Kung si Kayson kanina ay nakilala siya. Paano na lang si Art na araw-araw niyang nakikita at nakakasama sa mansion nito. Nasa tabi si Rima kasana nito si Kayson o mas kilala sa tawag na Carlos. Narinig niya ang usapan nina Rima at Kayson kanina dahil sa speaker na nakakoneta sa kanilang dalawa ni Rima.
"Shantal Gomez? Right?" tanong ni Mr. Damascus.
Tumango siya. Nakatingin sa kanya si Art bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya nito. Napayuko tuloy siya ng ulo, naalala niya ang suot niya.
Inabutan siya ng mahabang robe ni Pau. Para matakpan ang katawan niya. Pasimple naman na kumukuha si Rima ng mga videos.
Pinalakas niya ang loob. Bahala na si batman.
"Mr. Damascus." Inilahad niya ang kamay sa harap nito. Hinalikan naman nito iyon.
Umupo siya sa kandungan ni Art. At nagkunwaring hindi sila magkakilala nito. Na kunwari marunong siya sa kalakaran na ganoon.
"L-Love?" mahinang sabi nito.
Nginitian niya ito at mapanuksong kinagat ang labi.
Namula ang pisngi niya sa pagtitig nito sa labi niya. First time na magdidikit ang katawan nila at parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan niya. At kakaibang kiliting nararamdaman niya. Inakbayan niya ito at inihilig ang ulo sa dibdib nito.
"Anong ginagawa mo?"
"Pinapasaya kita, sir."
Marahas siya nitong itinulak. Natapilok siya sa ginawa ni Art.
"Hey, Art. Easy ka lang."
Muli siyang umupo sa kandungan nito. "Sir, wala ka sa teritoryo mo. Kaya naman maging mabait ka sa akin." Hinaplos niya ang dibdib nito at ang mukha pero muli siyang itinulak nito.
"Art. Ano bang problema mo kay Shantal?" tanong ni Damscus na napatingin pa sa kanya.
"May importante akong pupuntahan. Isa pa hindi ko kailangan ng babae."
Hinapit siya sa bewang ng isang matandang babae. "Kung gano'n akin na lang si Shantal."
Bumaling muli si Art sa kanya. At hinila ang kamay niya.
"Akala ko ba ayaw mo kay Shantal, Art?!" Bulyaw ng lalaki.
"I will take her home!" galit na sabi ni Art.
"Me too!" sumbat din ng matandang lalaki. Nagtalo ang dalawa at sa huli sa pera idinaan ang usapan.
"Tutal si Shantal naman masusunod siya na ang mamimili," sabi ni Damascus. "Mahal si Shantal."
Nanlaki ang mga mata niya. Ibenenta na nga ako ni Damascus.
"One hundred thousand!" lapag ng lalaki sa pera nito sa lamesa.
"Kahit na isang milyon pa ang ibabayad ko. As I've said. I will take her home!" maawtoridad na sabi ni Art.
"Siya ba ang ipapalit mo kay Lexi?" tanong ng lalaki.
Hinila siya ni Art. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Hindi niya mahihigitan si Lexi sa buhay ko!" Giit ni Art bago siya nito hilain.
"Pay first!" sabi ni Damascus.
"Kasama ko si Dave. Assistant ko. Sa kanya mo kunin ang cheque."
Pagkalabas nila sa club ay bigla siya nitong itinulak.
"Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" galit na sabi nito.
Nakita niya sina Kayson at Rima na lumabas na rin.
"Wala kang pakialam!"
"Delikado ang lugar na ito. At buong akala ko matino kang babae. Your wearing this f*****g clothes... Ms. Guadalupe. Lahat ba ng trabaho pinapasok mo para sa pera! Ilan ba ang kailangan mo! Say it! And I'll give you the prize."
Sinampal niya ito. Hindi siya nakapagtimpi pa.
"Ginagawa ko ito para sa mga magulang ko. Wala ka no'n kaya hindi mo ako maintindihan. Hindi mo nararamdaman ang isang mahirap na tulad ko. Kaya kong ibenta ang sarili ko 'wag lang mamalimos sa isang tulad mo!"
Umiyak siya kahit acting lang ang lahat. Umiyak siya dahil kinurot ang puso niya hindi niya alam kung bakit.
****
Art
--------
Naawa siya kay Ms. Guadalupe ngunit nasabi na niya ang lahat dito. Nainsulto niya ang pagkatao nito, hindi na siya umimik pa at hinayaan itong umiyak. Umupo ito sa upuan malapit sa parking lot. Niyakap nito ang sarili habang patuloy ang pagtulo ng luha nito. Bumuntong-hininga siya at tinabihan ito.
"Sorry sa nasabi ko, alam kung nainsulto kita. Nagtratrabaho ka sa akin bilang Yaya ni Osha pagkatapos nagtratrabaho ka pa sa gabi bilang dancer at escort sa Club. Nandito naman ako kapag kailangan mo ng pera, puwede mo akong lapitan, hindi naman ako maramot pagdating sa mga kaibigan. I'll treat you like a friend dahil mabait ka kay Osha."
"Tungkol kay Lexi?"
Hindi niya sinagot ang tanong nito sa nagbuga siya ng malalim na hininga.
"Ayokong may nababastos na babae. Naalala ko kasi si Lexi, bago siya namatay nabastos siya sa harap ng Club ni Mr. Damascus. Ipinagtanggol ko siya kahit na pati ako napahamak sa ginawa ko. Wala kaming kasama no'n ni Lexi nang magawi kami sa Club na 'yon. Hinarang kami ng nga grupo ng kalakihan kinuha nila si Lexi sa akin. Nagawa ko siyang ipagtanggol pero hindi ko kinaya. Nawalan ako ng malay-tao at nang magising ako wala na si Lexi sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Dalawang araw ko siyang ipinahanap sa mga tao ko pero hindi siya natagpuan ng mga ito. Hanggang sa isang gabi nakita na lang ni Paxton na wala ng buhay sa harap ng pamamahay ko." Masakit sa kanya na sabihin dito ang nangyari sa fiancée niya ngunit minabuti niya upang maintindihan siya nito.
"Pero... ikaw ang pinagbibintangan. I mean sinabi sa akin ni Paxton."
Tumingin siya sa malayo. "Hindi naniniwala ang mga agents na wala akong kasalanan. Pinapaimbestigahan nila ako sa kahit sino, isa lang naman ang nakakasiguro akong gumawa nito kay Lexi, si Mr. Damascus. Siya lang naman ang may galit sa akin dahil sa negosyo. Pumasok ako sa Club para ako na ang humanap ng ebidensiya kay Mr. Damascus, kaya nang nakita kita kanina. Natakot ako na baka mamaya ikaw ang isunod nila... nililigawan ka ni Paxton ayokong matulad siya sa akin na---"
Tumawa si Ms. Guadalupe. "Hindi niya ako nililigawan hindi ako nagpapaligaw."
Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan sa sinabi nito para siyang nagkaroon ng pag-asa. Natuwa siya sa sinabi nitong iyon.
*********
Soraya
MATAPOS sabihin ni Art ang lahat lihim na nagtaka si Soraya sa naging takbo ng mga mga pangyayari kay Lexi. Kung hindi nga si Art ang pumatay sino? Sino, hindi kaya may kinalaman si Paxton o 'di kaya si Mr. Damascus.
"Lo---Ms. Guadalupe," untag nito sa kanya.
"Wala kang dapat isipin tungkol sa amin ni Paxton." Tumayo siya ngunit niyakap siya nito bigla. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nito niyakap.
"Sir..."
"Ihahatid na kita," bulong nito. Kumalas ito sa pagyakap sa kanya, nakita niya ang paglapit ni Kayson sa kanila. Mukhang lasing ito at sumulpot Na lang bigla mula sa likuran ni Art.
"Shantal!" Hinapit siya nito sa bewang. Inalalayan niya ito dahil kahit na matagal na silang hiwalay ni Kayson pag-aalala pa rin siya rito.
Itinuro nito si Art. "Sino naman ito?"
"Iuuwe na kita."
"Teka lang hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya?"
"Lasing ka na."
"Sor---"
Ngumisi si Kayson at itinulak siya. Namula siya baka dahil sa kalasingan nito ay mabuko pa siya.
"Ms. Guadalupe?" tawag ni Art.
"Okay lang, sir. Ka-kaibigan ko siya," sagot niya habang inihahatid nang tingin ang pasuray-suray na si Kayson. Ano naman kayang problema ng mokong na 'yon, at biglang sumusulpot.
"Baks, kailangan kitang makausap asap," sabi ni Rima mula sa kabilang linya.
"Sir, magta-taxi na lang ako pauwi."
Nangunot ang noo nito. "Hindi mo ba gustong ihatid kita?"
"Pero baka makaabala ako sa inyo, sir."
Tinanggal nito ang suot na jacket at ibinigay iyon sa kanya.
"Ihahatid na kita." Nauna itong naglakad patungo sa kotse nito. Naroon ang secretary nito na si Dave. Nakatingin ito sa kanya at tila nagulat pa nang makita siya. Ipinagbukas siya nito ng pinto at sa backseat siya umupo katabi ni Art.
"Bosing si Ms. Guadalupe na ba 'yan?" tanong ni Dave.
Ngumiti siya. "Shantal sa gabi."
Matalim ang tingin ni Art kay Dave kaya hindi na ito nagsalita pa.
"Saan ka ba nakatira?"
"Sa Ermita."
"I see."
"Nakikitira lang ako doon, sir."
"Bukas nga pala kailangan ni Osha ng kasama, nag-promise kasi ako na ipapasyal ko siya sa Mall."
"Maaga na lang akong papasok bukas, sir."
Tumango ito. "One more thing sana hindi na ulit kita makita sa Seven Dragon Club. Im willing to help in terms of money. Hindi ako mahigpit na bos gaya nang iniisip mo."
"Tama si bosing. Galante kaya 'yan."
"Dave," saway ni Art. Lihim siyang kinilig sa paraan ng pagkakasabi ni Art.
"Sa tabi na lang."
"Dito ka na ba nakatira?" tanong ni Art.
"Oo, sir. Kaso sa looban pa."
Bumaba si Dave at pinagbuksan siya ng pinto. Samantalang lumabas naman si Art para ihatid siya.
"Sir, nakakahiya naman."
"Its okay gusto ko lang makasigurado na ligtas ka."
"Sweet," bulong niya.
"May sinasabi ka?"
"Wala naman, sir." Huminto siya sa paglalakad tumapat siya sa labas ng isang apartment na luma. Nasa labas si Rima ngunit agad na pumasok sa loob ng apartment nang makita sila.
"Ito ba ang tinitirahan mo?" nakatingin ito sa paligid ng bahay. Madaming nagkalat na nag-iinuman sa labas at may mga naglalaro pa ng tong-its sa gilid ng kalsada. Pero mababait ang mga tao rito at malinis pagdating sa mga illegal na gawain. Drug Free na nga ang lugar na ito.
"Pasok kayo, sir."
"Hindi na rin ako magtatagal kasi walang kasama si Osha sa bahay. Mag-ingat ka Ms. Guadalupe."
Nagpaalam na ito sa kanya. Pumasok na siya sa loob, nakatingin naman ng masama sa kanya si Rima habang nakasandal sa gilid ng pintuan.
#SASC
"At ano namang tawag sa hatiran na nagaganap?" tanong ni Rima nang makalapit siya rito. Isinara naman nito ang pinto. Umupo siya sa sofa at nakatingin sa suot niyang jacket.
"Pagpapanggap?"
"Nahuhulog ka na ba sa kanya?" diretsahan nitong tanong sa kanya at hinagisan siya ng isang beer in can.
"Hindi, a. Alam ko naman ang protocol natin."
"Tama!"
"Teka si Kayson ba, anong misyon niya?" Binuksan niya ang beer na bigay nito.
"Si Mr. Damascus ang misyon niya, tulad natin naghahanap din siya ng ebidensiya sa mga negosyo ni Mr. Damascus na illegal dahil palagi na lang itong nakakalusot sa batas. Alam naman natin ang malakas na kapit niya sa ibang tiwaling pulis na palagi na siyang inaabsuwelto sa mga negosyo nitong illegal dahil sa kakulangan ng ebidensiya."
"Wala bang kinalaman sa hinahawakan nating kaso?" tanong niya habang tumutungga ng beer.
"Wala naman. Sa tingin ko mahal ka pa rin ni Kayson."
"Hindi ko na siya mahal."
Bumuntong-hininga si Rima.
Napatingin siya sa malayo. "Hindi kami ang para sa isa't isa. Ilang beses na naming sinubukan na tumagal sa relasyon pero palagi na lang kaming hindi magkaintindihan. Pati trabaho namin naapektuhan tsaka... nakuha naman na niya ang gusto niya sa akin. Hanggang doon na lang 'yon."
"Si Art... makakaapekto ba siya sa trabaho natin?"
Tumayo ako at nilapitan si Rima. "Hindi... hinding-hindi."
"Kaya mo ba siyang patayin?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Rima.
"Joke!"
Tumawa ito habang pulang-pula ang mukha niya.
"Ikakamatay mo... alam ko."
"Puro ka kalokohan!"
"Heto ang files na nakuha ko mula sa intel department. Narinig ko naman lahat ng usapan ninyo ni Art kanina. At sa palagay ko apektado ka masiyado... base sa mga sinabi ni Art sayo isa lang ang pumasok sa isip ko... may kinalaman si Mr. Damascus sa nangyari kay Ms. Lexi Santillan. Base sa kuha ng CCTV galing talaga sa Seven Dragon Club ang magkasintahan bago pwersahang kunin si Ms. Lexi kay Mr. Briton. Off duty noon ni Dave Presco, secretary ni Art. Nakuhanan din kasi siya sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Ang pinagtataka ko lang bakit putol-putol ang kuha ng CCTV sa lugar hindi kaya manipulado ang lahat? Nasa NBI ang kotse ni Mr. Briton na ginamit nito nang gabing iyon. Makakuha pa tayo ng finger frints mula sa kotse. Kailangan mong makakuha ng hair sample kay Dave Presco at kay Paxton Real. Ora mismo!"
"Paano ko naman gagawin 'yon?"
"Hindi ko alam."
"E, si Mr. Damascus?"
"Ako na ang bahala sa kanya." Ngumisi ito.
"'Wag mong sabihin na gagawin mo 'yong ginawa ko?"
"Oo naman ikaw lang ba ang may kaya no'n, baks?" tumawa ito.
"Ipagpalagay natin na wala ngang kasalanan si Mr. Briton sa nangyari kay Ms. Lexi. Pero hindi mo mababago na galit siya sa tulad nating Secret Agents..."
"Kapag nalaman niya, baks. Panigurado na iiwasan niya ako."
"Itatakwil ka niya!"
"Ang hard!"
Ibinaba nito ang files sa lamesa at tinignan siya.
"Kailangan mo nga palang makausap si Supremo bukas na bukas din."
"Pero may trabaho ako."
Humiga ito sa folding bed na naroon. "Ikaw na ang bahalang magdahilan sa daddy mo."
Nangalumbaba siya. "Rima..."
"Bakit?"
"Paano kung..."
"Ano?"
"Wala... pahinga ka na." Tumayo siya at inubos ang beer na hawak niya. Gusto niyang sabihin kay Rima ang posibilidad na mahalin niya ang tulad ni Art, ngunit malabong mangyari lalo na't nakasaad sa protocol na bawal ma-involve sa person of interest tulad ni Art.
KINABUKASAN maaga siyang nag-report sa opisina. Naroon si Supremo sa opisina ni Prime.
"Sir."
"Agent Castelejo."
Nakaupo si dad sa harap ng lamesa ni Prime. Hindi ito tumingin sa kanya, sanay na siya na palaging binabalewala nito lalo na't sa loob ng agency. Istrikto si dad hindi nito gustong mahina siya kaya tinuruan siya nitong maging matatag dahil palagi nitong sinasabi na hindi niya ito dapat gambalahin kapag walang kwentang bagay lang. Naging isang magulang si dad sa ibang tao at hindi sa kanya. Kaya imbes na maging malapit siya rito mas lalo lang siyang lumayo nang lumayo rito.