Chapter 11

2591 Words
"Love, anong nangyari sayo?" tarantang tanong niya. Bitak ang bibig nito at umaagos ang dugo mula roon. May basyo ng can beer sa tabi nito at plastic na baril. Pumasok agad sa isip niya na baka tinambangan ito ng mga lalaking gustong patayin siya. Nagmulat ito ng mata at tumingin sa kanya. Ngumiti ito nang makita siya. Amoy alak pa ito. Umupo ito. "Art, sir---" "Ano bang ginagawa mo rito?" Inalalayan niya si Love na makatayo. Bigla muli itong natumba ngunit tinawanan lang siya. Binuhat na lamang niya ito. Basang-basa na sila pareho ni Love dahil sa lakas ng ulan. "Walang nagmamahal sa akin," bulong ni Love. Dama niya ang mahinang paghikbi nito. Hindi niya alam kung ano ba ang nangyari rito. Nakadama siya nang pag-aalala kay Love at hindi niya iyon maitanggi sa kanyang sarili. Pinahiga niya ito sa backseat. Tsaka siya umibis para pumunta sa harapan. Binalingan niya ito bago patakbuhin ang kotse. Pinuntahan niya kanina si Carlos para ipaimbestiga rito ang nangyari. Kinausap na rin niya si Maximo isa sa kliyente ni Mr. Damascus. Wala itong alam sa ginawa ni Mr. Damascus sa kanya. Kung trayduran lang naman ang labanan kailangan na niyang maunahan si Mr. Damascus habang maaga. Isa pa hawak na niya ang black book na naglalaman ng mga illegal na gawain ni Mr. Damascus. Ipinasa na lamang niya kay Carlos ang nakuha niyang ibidensiya upang matulungan siya nito. Inihatid niya ito sa inuupahan nitong bahay. Hindi niya gustong ipunta ito bahay niya baka madamay pa ito sa gulong pinasukan niya. Si Paxton na lamang ang nasa mansion, pinauwe niya muna si Osha sa mama niya. Hindi niya alam kung ano ang kayang gawin ni Mr. Damascus kaya ngayon pa lang nag-iingat na si Art. Sarado ang bahay ni Love. Wala yata itong kasama sa bahay nito. Binuhat niya si Love papasok sa loob ng bahay nito. Inihiga niya ito sa sofa na naroon. Tsaka hinanap ang switch ng ilaw. Inalis niya ang damit niya dahil basang-basa iyon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Nagkamot siya ng batok at tumingin kay Love. Mahimbing na natutulog ito. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay nito. Napaso pa si Art sa init ng katawan ni Love. Binuhat niya ito at ideneretso sa loob ng kuwarto nito. Kinumutan niya ito at lumabas ng bahay upang magtawag ng tulong ngunit sa sobrang lakas ng ulan walang nakakarinig. Binalikan niya si Love na nanginginig pa rin. Ibinaba niya ang kumot na basang-basa na dahil sa basang damit nito. Inalis niya ang basang t-shirt nito na hindi tumitingin sa katawan ng dalaga. Agad niyang kinuha ang isa pang kumot at itinakip sa katawan nito. Isinunod niya ang pantalon ni Love. Kahit nilalamig siya ay butil-butil ang pawis niya. Anong mukha ang ihaharap niya kapag nagising ito. Ngunit hindi naman niya maatim kapag mas lalong tumaas ang lagnat nito. Natanggal niya ang pantalon ni Love at inilagay ang mga damit nito sa kusina. Kumuha siya ng palanggana at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig. Bumalik siya sa kuwarto at naghanap ng bimpo sa lagayan ng damit nito. Pinunasan niya si Love sa mukha at braso. Tsaka ipinatong muli ang bimpo sa noo nito. Nakatingin lang siya sa maamong mukha ni Love. "Gusto kitang mahalin," bulong niya. Inilapit niya ang silya sa tabi ni Love at inilapit ang mukha dito. Hinagkan niya ito sa pisngi. Tumayo siya muli at pinasyang pumunta sa kusina. Natutukso siya kay Love at baka hindi siya makapagtimpi ay kung ano pa ang magawa niya sa dalaga. Ano kayang nangyari rito bakit ito may pasa sa mukha? Basa rin ang pantalon na suot niya. Bumalik siya sa kotse niya at kinuha ang extra niyang damit sa compartment. Mabilis siyang bumalik sa loob ng bahay ni Love. Nagpalit siya ng damit at inilagay sa plastic ang pinagbihisan niya. Binalikan niya si Love sa kuwarto nito at hinawakan ang pisngi nito. Bumaba na ang lagnat ni Love, nakahinga siya nang maluwag at ipinasya na ring matulog sa tabi nito. Niyakap niya nang mahigpit si Love. "Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo, Love." Hinalikan niya ito sa noo at ipinikit na ang mga mata. ----- PAGKAGISING ni Soraya, bumungad sa kanha ang guwapong mukha ng katabi niya sa kama niya. Tulog na tulog ito habang nakayap sa kanya. Nasapo niya ang noo at inalala ang nangyari. Itinaas niya ang kumot at napagtantong wala na siyang damit maliban sa undies niya. Namula si Soraya at tumingin sa kisame. Gosh, nakita kaya ni Art ang tattoo ko sa bewang. Tattoo iyon na palatandaan na isa siyang Secret Agent dahil numero at initial niya ang naroon. Lahat silang agent ay may maliit na tatto sa katawan. Isinabatas iyon ni papa ang kanilang Supremo. Nang iwan siya nito kagabi nagpasya siyang uminom na lang ng alak sa daan. Nang may napadaan na grupo ng kalalakihan na gusto siyang gawan ng masama. Sa galit niya sa papa niya ay ang mga ito ang napagdiskitahan niya. Natamaan lang siya ng ibinatong bato ng isang lalaki sa may pisngi niya. Pagkatapos ay sinuntok pa siya ng isa. Itinutok pa sa kanya ang pekeng baril kaya naman pinagbubugbog niya ang mga ito hanggang sa sumuko ang mga ito at tinakbuhan siya. Pagkatapos ay nawalan na siya ng malay-tao. Hinamplos niya ang mukha ni Art. "Ano kayang magiging reaksiyon mo kapag nalaman mo ang totoo kong pagkatao?" bulong niya rito. UMALIS si Soraya sa bahay na tinutuluyan niya. Hindi na niya inabala pang gisingin si Art. Hindi niya gustong makita siya nito na umiiyak. Ngayon n'ya na-realize na mahal na talaga niya si Art. At hindi niya kayang pigilin ang sarili niya kaya naman uumpisahan na niyang layuan ito. Isa pang dahilan ay ang kapatid nitong si Osha na kapatid din niya. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ni Art ang lahat pati na ang pagiging Secret Agent niya. Pinahid niya ang luha sa pisngi at tinungo ang opisina ni Prime. Kailangan niya itong makausap dahil mayroon na siyang nalaman tungkol sa kaso ni Lexi Santillan. Pinihit niya ang seradura ng pinto. Naroon si Supremo, galit pa rin siya rito dahil sa lihim nito sa kanya. "Soraya, mabuti nandito ka na. Kahapon pa kita tinatawagan pero hindi kita makontak. Maupo ka." "Pasensya na boss." "Heto ang karugtong ng CCTV sa bahay ni Artemio Briton." Pinindot ni Prime ang zoom-in. "Teka kilala ko ang lalaking 'yan." "Dave Alcuera, tauhan ni Artemio Briton at tauhan din ni Damascus. At hindi lang basta tauhan ni Damascua kundi pamangkin niya si Dave." "Siya rin 'yong lalaki na nakita no'n nang mangyari ang pangharang sa amin kahapon." "Isasaga natin nagyon ang man-hunt operation. Tutulong ang NBI sa atin kaya maghanda ka na, Soraya." Hinawakan ni papa ang balikat ko. "Sana maging maayos na ang lahat anak." Tinanguhan lamang niya ito. "Prime, aalis na ako. Pupuntahan ko ngayon si Mary para malaman ang location ng target." "Mag-iingat ka, Soraya." Bilin ni papa. "Salamat po." Naiintindihan niya ang papa niya ngunit hindi gano'n kadaling patawarin niya ito sa kabila ng mga nangyari. Kinatok niya si Mary na nasa intelligence office. "Baks, planado ang lahat. Tignan mo 'to." Mga larawan ang pinakita ni Rima sa kanya. "Teka ibig sabihin matagal nang minamanmanan ni Dave ang lahat ng kilos ko?" "Posible baks. Ngayong alam na natin ang suspek sa pagkamatay ni Ms. Santillan nasa panganib ngayon ang buhay ni Art, at maging ang pamilya nito." Pumasok agad sa isip niya si Osha. "Rima, balitaan mo ako. Nasa panganib ngayon ang kapatid ko." Mabilis siyang lumabas mula sa opisina ngunit hinabol siya ni Rima. Inihagis ni Rima ang isang calibre 45 kay Soraya. "Mag-ingat ka baks." Sinapo niya ang baril at tinanguhan si Rima. Pinaandar niya ang kotse ng papa niya na naka-park mula sa harap ng building. Ibinigay nito ang susi kay Soraya kanina nang tinapik nito ang balikat niya. Alam ng kanyang papa ang gagawin niya at ang mangyayari lalo na at madadamay si Osha. Sana nga lang ay hindi pa huli ang lahat. NAGMAMADALING pumasok siya sa loob ng mansion. Tumambad kay Soraya ang mga patay na mga tauhan ni Art na nagkalat sa paligid ng bakuran. Duguan din ang hagdan paakyat sa itaas. Si Aling Maring ay wala na ring buhay. Mabilis siyang umakyat sa itaas sa gawi ng kuwarto ni Osha. Bukas ang mga kuwarto at magulo ang loob ng mga iyon. Sarado ang kuwarto ni Osha. Malakas na sinipa niya iyon. Nakita niya mula roon ang bakas ng dugo mula sa kama. At ang kanyang kapatid ay nasa ibaba. Agad niya itong binuhat, duguan ito. Ngunit may pintig pa ang puso nito. Dumating ang mga NBI kasunod niya. "Osha..." "Gising." Tinapik-tapik niya ang pisngi ng kapatid niya. "Agent #88, kami na ang bahala sa kapatid mo." Kinuha nila mula sa kandungan niya si Osha at nagsagawa na ng forensic examination sa mga biktima. Pinunas niya ang luha sa pisngi at tumango sa mga ito. "Agent #88 wala ng ibang tao rito," sabi sa kanya ng isang NBI na kasama nila. Tinawagan niya si Rima at ipinaalam dito ang nangyari. Ibinilin na rin niya ang kapatid niya na itatakbo sa hospital dahil grabe ang lagay nito. "Paki-usap baks. Alalayan mo muna si dadyy. May kailangan akong puntahan." "Baks, 'wag kang padalos-dalos sa gagawin mo." Babala ni Rima ngunit hindi na niya 'yon pinansin pa. Ang mahalaga matapos na ang lahat ng ito. "Sige, baks." Pinutol niya ang tawag at idinayal ang numero ni Paxton. Shit, hindi rin ito nagri-ring. Hindi kaya pati sina Paxton ay nakuha. Sumakay si Soraya ng kotse. Malakas ang kutob niya na nasa hide-out nina Dave at Damascus sina Art at Paxton. Kailangan niyang mailigtas ang mga ito. Bahala na kung susugod lang siya mag-isa. Magre-request na lang siya ng back-up. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya. Ang nasa isip niya ay si Osha. Sana maging ligtas ito sa kritikal nitong kalagayan. May tama ng baril si Osha sa balikat at sa may malapit sa puso. Siguro'y iniwanan na lang si Osha sa pag-aakalang napatay na nila ito. Nagtatangis ang kalooban niya. Papatayin niya ang gumawa no'n sa kapatid niya. Pagbabayaran nila ng mahal ang ginawa nilang 'yon. ----- "Bosing..." untag ni Paxton kay Art. Sinipa nito ang paa niya. Masakit ang buo niyang katawan sa pambubugbog ni Dave at mga kasamahan nito. Kasama niya si Paxton kaninang umaga. Masaya silang nag-aalmusal hanggang sa dumating ang apat na itim na van sa harap ng bahay niya. Pinagbabaril nito ang mga tauhan niya sa labas at nang mapatay nito ang mga 'yon ay pumasok na ang mga ito sa loob. Si Paxton ang kasama ni Osha na umakyat sa itaas ng kuwarto. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya maging ligtas man lang sila ngunit hindi niya nagawa. Madami ang tauhan ni Dave at pawang may mga baril. Nakipambuno siya sa mga ito ngunit na-corner siya kaya't pinagbubugbog siya. Si Paxton ay nahuli rin, duguan ito. Sinabi nitong natamaan ng bala si Osha nang paakyat na sila. Patay na raw ang kapatid niya. Patay na si Osha. "Bosing, magpakatatag ka. Babawi tayo sa kanila," nagngingitngit na sabi ni Paxton. Bitak ang labi nito at dumudugo ang sulok ng kanan nitong mata. Pilit siyang ngumiti. Magbabayad sila sa ginawa nilang 'yon kay Osha. Nakatali ang mga kamay nila patalikod at ang mga paa nila. Ang leeg nila ay nakatali rin sa kadena at nakasabit sa itaas. Kapag tumakas sila mahihila sila ng beam pataas at katapusan na nila 'pag nagkataon. ------ "PSST!" Pinituhan ni Soraya ang isang lalaking bantay at nang lumapit ito sa kanya ay agad niyang dinukwang ang leeg nito at inikot iyon palikot. Nakasuksok ang baril niya sa likuran niya at ang hawak niyang maliit na punyal na ginagamit niyang armas ngayon para hindi siya mahuli kaagad. Unti-uniti siyang nakakapasok sa loob ng bodega. Nagtago siya sa malaking drum. Lumabas si Dave sa isang kuwarto at naglakad ito patungo sa dalawang tao na nakatali sa haligi. Nakatali ang mga leeg ng mga ito. Nasa itaas ang beam na siyang hihila sa mga ito kapag inutos na ni Dave. Sa ibabang bahagi ay ang malaging grinder kung saan maaring ihulog paunti-unti ang mga ito hanggang sa mamatay. Maiangat siyang lumabas mula sa kinublihan niya patungo sa isa pang drum na malaki kung saan nasa tapat iyon ni Art. "Kumusta, bosing?" nakangising tanong ni Dave. "Hayop ka!" Tumawa si Dave. Hinahaplos nito ang baril na hawak tsaka itinutok kay Art. "Gusto mo bang malaman kung paano ko ginahasa at pinatay ang mahal mong fiancée bosing?" Lumapit si Dave kay Art habang nakatutok ang baril sa noo ni Art. "Ano bang ginawa kong mali sayo, Dave?" "Alam mo namang gustong-gusto ko si Lexi 'di ba? Pero dahil boss kita ay ipinaubaya ko siya sayo. Minahal ko si Lexi pero ikaw ang sumira no'n. Inagaw mo siya sa akin... hindi mo ba alam na may relasyon kaming dalawa bago pa man maging kayo?" Tumawa ito. "Pero bago siya pakinabangan ng iba. Pinatay ko na lang siya. Pagkatapos nilagyan ko ng plastic ang ulo niya hanggang sa hindi na makahinga." Sinampal ni Dave si Art pagkasabi no'n. "Hayop ka! Pagbabayaran mo ang mga ginagawa mo ngayon sa akin." "O sige. Pagbabayaran ko pero papatayin muna kita. Pero bago 'yon. Nasaan ang black book na hawak mo?" sigaw nito. "Anong black book?" "'Wag kang magmamaang-maangan!" "Kaya mo ba kami linusob sa bahay dahil sa black book. Wala akong alam sa kung anong tinutukoy mo." "Ah wala kang alam---" Lumabas siya mula sa tinataguan niya. Hawak pa rin niya ang punyal niya. Nakakasa na ang mga baril sa likod niya kaya ano mang oras magagamit niya ang mga ito. "May bisita pala tayo. Welcome sa aking palasyo, Agent #88." Nilingon siya ni Art na nagtatanong ang mga mata. Si Paxton naman ay masayang makita siya. "Pakawalan mo na sila." "Nagkamali ka yata ng pinasukang butas, Agent 88? Nasa kuweba kita pagkatapos uutusan mo ako." Sinenyasan nito ang mga tauhan na lumapit kay Soraya. Dahil punyal ang nakikita ni Dave na armas niya. Ipinababa nito sa mga tauhan ang baril at linusob siya. Pinalibutan siya ng mga ito at isa-isang sumugod. Hinila niya ang mga kamay ng bawat sumusugod pagkatapos ay sinasaksak niya sa leeg. Isa-isang nagtumbahan ang mga ito. At ng iisa na lang ang natira tinutukan na siya ng baril ni Dave ngunit naisangga niya ang isa nitong tauhan sa sarili niya kaya ito ang nabaril. "Magaling ka talaga, Agent 88. Ano kaya kung isunod ko si Art?" "Sumuko ka na! Dahil nagkamali ka ng taong binabangga, Dave. Pati kapatid ko idinamay mo, hayop ka!" "Love," tawag ni Art ngunit hindi niya pinansin. "Mamili ka ngayon, Agent 88. Isasauli mo ang black book o papatayin ko kayong lahat ngayon din." Dinuraan niya ito. "Sa ginawa mo sa kapatid ko hindi mo makukuha ang black book." Hinugot niya ang baril niyang dalawa sa magkabilang bulsa at pinaputok iyon sa gawi ni Dave. "Agent 88!" sigaw ni Dave habang nagtatago ito dahil sa sunod-sunod niyang pagpapaputok. Tinarget niya ang tali sa itaas habang ang isang kamay ay nagpapaputok sa direksyion ni Dave. Bumaba ang kadena sa itaas ng beam. Sa pagkakataong 'yon dumating na ang mga kasamahan niya at ang mga pulis. Tumakbo si Dave at sinundan niya ito. Tatakas si Dave at hindi siya makakapayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD