HINDI nga ako nagkakamali si Diego Alejandro ang aking nakita. Nakangiti siya habang papalapit sa amin. "Chic…" masayang sambit niya. "Anong ginawa mo dito?! Sinusundan mo ba kami dito?!" galit na tanong ni Yuwano. Hindi agad sumagot si Diego Alejandro sa halip ay ngumiti ito. "Anong nakakatawa sa tanong ko?" Tila pikon si Yuwano, lalo na't hindi siya sinagot nito. "Diego, may kasama ka ba?" mahinahon kong tanong. Dahil kung wala ay gusto kong i-bonding siya para may partner si Honeylet, at hindi bunot nang buntot kay Yuwano. "I'm alone. Actually, pag-aari ng pamilya ko ang resort na ito." "I see," tanging tugon ko. At si Yuwano ay hindi nakakibo nang marinig niya ang sinabi ni Diego Alejandro. Biglang hinawakan ni Yuwano ang aking palad na tila ipinararating niya kay Diego

