NAGDALAWANG isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang ginawa ni Yuwano, dahil ayaw kong masira siya sa ibang tao. Kaya pili ko na lang na hindi magsadalita at idinaan ko na lang sa pag-iyak ang lahat. "Okay lang kung hindi mo sasabihin sa akin. Saan mo gustong ihatid kita?" "Ayaw ko munang umuwi, puwede bang sa hotel mo na lang ako ihatid?" "Uhmm… doon ka na lang muna sa condo." "Kahit saan basta hindi ko lang makita si Yuwano." "All right." Hanggang sa dumating kami sa siyudad at pumasok kami sa basement sa isang malaking gusali. Sumakay kami ng elevator at huminto ito sa fifteen floors. "Come!" Hinawakan niya ang aking kamay at naglakad kami patungo sa dulong kuwarto. Hanggang sa nakapasok kami sa loob ng unit. "Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin. "Ito ang gusto ko."

