TAMA si Diego Alejandro, dapat niyang malaman habang maaga pa. Lumalabas ako ng sasakyan at inalalayan niya ako sa pagbaba. "Be careful," aniya. Sumakay kami ng elevator, at huminto sila sa fifth floor. Naglakad sa diretsong bahagi. Hanggang nasa tapat na kami ng pinto. Kakatok sana si Diego Alejandro nang pigilan ko siya. Dahil gusto kong i-sorpresa si Yuwano. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto upang hindi niya ako mapansin, habang si Diego Alejandro naman ay nakasunod sa akin. Kapwa kaming napahinto dahil sa aming nasaksihan. Halos hindi ako kumukurap habang nanatiling nakatingin sa table ni Yuwano. Wala silang kamalay-malay na nasa may pinto kami na nakatayo. "Ehem! Ehem!" agham ni Diego Alejandro, at biglang naghiwalay ang dalawang naghahalikan. "Chicklet!" bulalas ni Yuwano

