ALAS-SIYETE ng gabi ay pareho na kami ni Diego Alejandro na nakabihis at handa na para umalis. Simple lang ang aking suot, ang skinny na white at blouse na kulay pink. "Okay lang ba ang suot ko?" panigurado kong tanong sa kanya. "Yes. Simple but elegant." "Thank you!" "Let's go!" Hanggang nasa biyahe na kami. Hindi ko maiwasan na kabahan dahil nag-aalala ako na baka mahalata ang aming pagpapanggap. "Okay ka lang, Chic?" Sabay lingon niya sa akin. "Medyo kinabahan ako, eh." "Don't worry hindi ako aalis sa tabi mo." "Siguraduhin mo lang, ha. Baka mahalata pa nila tayo." "I'll promise!" saad niya. Isang oras ang nakalipas ay nakarating na kami sa kanilang bahay. Malaki ang kanilang bahay na halatang mayaman nga sila. Mag-isang bahay lang ito. At malawak ang kanilang bakuran.

