SERYOSO siya na lumapit sa akin, samantalang ako naman ay bahagyang nakangi. "Bakit?" tanong niya na hindi man lang kumukurap. "Bakit mo alam ang size ko?" At nakangiti ako. "My God, akala ko kung ano! Baka nakakalimutan mo na engineer ako," tugon nito at bahagya pang ngumiti. "Ummm… Oo nga pala! Thank you, ha!" "You're welcome!" At bumalik na ako sa loob para magbihis. Ipinagpatuloy ko ang pagtingin ng laman ng mga paper bags. May tatlong Paris ng pajama na hanggang hita at may tatlong skinny jeans at tatlong blouse. Pajama ang sinuot na kulay pink. Nang matapos ay bumalik na ako sa labas.At nakahanda na ang isang baso at isang bote ng red wine. Nang umupo ako ay agad niyang sinalinan ng wine ang aking baso. "Bakit hindi liquor?" pagtataka kung tanong. Dahil kagabi ay liquor

