LIHIM akong lumayo sa mag-ama at hinayaan ko muna sila dahil naramdaman ko na gusto ni Chasen ang tunay niyang ama. Inaasikaso ko na lang muna ang mga bisita at tutal nandoon naman ang aking ina. Umabot rin ng biente minuto bago ibinalik ni Yuwano ang bata kay Mommy. Hanggang sa natapos ang selebrasyon pero kaming tatlo ay naiwan muna sa hotel dahil gusto ni Ale na mag-check-in muna kami at bukas nang hapon uuwi. Pinagbigyan ko si Ale dahil alam kong pagod rin ito kaya kailangan niya ng konting pahinga. Kasalukuyang nakahiga kami sa kama at pinag-uusapan ang future ng bata. "Saka na na lang siguro natin 'yan pagdedesisyon ang tungkol diyan kapag malaki na si Chasen," pahayag ko kay Ale, dahil ang gusto niya na sa Amerika ito mag-aaral. Para sa akin masyado pang maaga para sa plano ni

