HINDI inaasahan ni Charlie ang pagdating ng buong pamilya niya. Ang buong akala niya ay walang nakakaalam isa man sa kamag-anak. At hindi niya gusto ang presensya ng mga ito lalo na ang kapatid na babae. “Son, kumusta kayo dito?” tanong ng ina habang nakangiti pero dama niyang kulang sa saya. Siguro nais lang nitong ipakita kay MC na masaya itong makita sila. “Ayos naman po kami, Mommy. Paano pala nyo nalaman ang lugar na ito? At bakit pala kayo nagpunta dito may nangyari ba?” “Bakit ganyan ang tanong mo sa amin. Anak ayaw mo ba kaming makita?” tila nagdadamdam na sagot ng ama. “Hindi po yon ang ibig kong sabihin, ngayon lang nangyari na lahat kayo ay magkasabay na nagtungo dito. Kahit mag sabi ay wala rin, kaya nagtataka lang ako sa bigla ninyong pagsipot.” “Iyong doktor na tumingin