HUMARANG si Arcella, ang babaeng pinadala ni Kyla ang nakakatandang kapatid. Malakas niya itong tinabig bago tuluyan sumakay ng sasakyan. “Charlie! Magsisisi ka kapag binalik mo dito ang babaeng yon!” “Sabihin mo yan sa iyong sarili. Dahil kapag napatunayan kong kasabwat ka ng mga armado. Ikaw ang magsisisi kung bakit nakipag sabwatan ka sa kanila!” “Master Charlie, may mensahe ang iyong ama.” pahayag ng kanyang personal bodyguard. “Anong sabi?” “Nakatimbre na raw kang Mr. Jurus ang pagdating mo sa balwarte niya.” “Hayaan mo ang tarantadong yon, hindi ako natatakot sa kanya. Kung kailangan suungin kong muli ang kamatayan mabawi ko lang si MC ay gagawin ko. Kaya ihanda nyo ang inyong sarili dahil ang lakad natin ito siguradong buwis buhay!” “Copy, Master Charlie, naghihintay pala ng