ISANG pagkakamali pero ito ang ganti sa kanya ni Charlie. Siguro dito na tuluyan matatapos ang konting pag-asa na nasa puso ni MC. Ngayon na isang mayaman na negosyante ang nanalo sa auction. Wala siyang nagawa kundi iyakan ang kinasapitan ng ginawa niyang pagkakamali. Ilang beses niyang sinubukan tumakas sa mga tauhan ni Mr. Jurus San Roque pero nabigo siya. Ngayon sakay sila ng chopper patungo sa airport. Naghihintay ang pribadong eroplano nito. Kahit ilang minuto na lang at lalapag na sila sa airport. Umaasa pa rin MC na magkakaroon ng pagkakataon makaligtas. Kaya lang sadya yatang iyon ang nakatadhana na mangyayari sa kanya. Mas nag doble ang higpit ng mga bodyguard ni Mr. Jurus. Kaya ng makaakyat sila sa eroplano ay napaiyak na lang siya. Hanggang unti-unting tumaas ang sinasaky