MASAKIT ang ulo ni Falcon sa nalaman mula sa pekeng ama. Talagang hindi ito titigil hanggang nananatili siyang buhay. Nakarinig siya ng nag-door bell, agad kinuha sa ilalim ng sofa ang kanyang baril. Pagkatapos nilagay sa likuran bago tinungo ang pinto. Sumilip muna siya butas bago yon binuksan . “Bakit ka nagpunta sa mansyon anong sinabi mo kay daddy?” sunod sunod na tanong sa kanya ni Dra. Regina. “Nag-alala ka ba na nagsabi ako sa kanya ng totoo?” “Huwag mo akong biruin ng ganyan o kahit isipin sabihin sa pamilya ko ang tungkol sa atin!” “I know at hindi iyon ang pinunta ko sa mansyon nyo. May binigay lang ako sa iyong ama at may tinatanong na rin.” “Ano yon?” “Confidential yon para lang sa amin ng daddy mo.” “Kung ganun aalis na ako.” “Yon lang ang pinunta mo dito?” “Bakit m