MALIGAYA si Falcon na nakilala niya ang tunay na pamilya. At pagkatapos ang konting kwentuhan ay nagpaalam na sila. Niyaya niya si Dra. Regina sa labas sila mag-dinner at pinagbigyan siya nito. Panay ang ngiti niya habang mabagal silang naglalakad sa parking. Patungo sa loob ng ng isang sikat na resto. Meron siyang pina-reserve para sa especial dinner na yon. “Thank you, sweetheart pinaunlakan mo ang invitations ko. Sa totoo lang ngayon lang yata ako naging masaya.” “Ang drama mo, huh!” inirapan pa siya ng dalaga. At wala siyang nais gawin kundi siilin ito ng halik. Pero dahil nasa public place sila ay niyakap na lang niya ito. Pag sulyap niya sa kabilang side ay malakas niyang naitulak si Dra. Regina. Pagkatapos nagawa pa niyang sulyapan ang babaeng minamahal bago unti-unting nagdilim