PINALIPAS lang ni Dra. Regina ang dalawang linggo bago tinawagan si Dyo-sam. “Ano na naman ang kailangan mo, bruha?” napa kunot noo siya sa paraan ng pagtawag nito sa kanya. “Bigyan ng leksyon ang mga pulis na yon.” “Tell me anong nais mong gawin ko?” “Don’t kill them, basta hindi na sila makakagawa ng karahasan sa mga inosenteng tao. Lalong wala na dapat mag hire sa kanila kapalit ng pera.” “Copy, ang bayad ipasok mo agad sa account ko aalis na ako, bye!” tinalikuran agad siya nito at hindi man lang binigyan ng pagkakataon na makapag salita. Pinasibad niya ang kanyang big bike patungo sa lugar na kinaroroonan ni Atty. Florida. Wala na siyang balita sa kaibigan ang huling tawag nito sa kanya noong iligtas niya si Dos at Phoenix. At mula din noong hindi na muling kumuntak pa ito sa