NANG makalabas mula sa ospital si Dos, napaiyak siya habang yakap ang dalawang bata. Pakiramdam ay ilang taon na hindi nakita ang mga anak. Buong araw silang magkakasama. Binasahan niya rin ng libro ang bunso nila. At si Marcelo ay ilang beses na tumabi sa kanya. Napakasarap sa pakiramdam na kasama ang mga anak at asawa. Kahit nanganib ang kanyang buhay sa kamay ng mga taong walang nasa isipan kundi pera. Nagpapasalamat pa rin siya at hindi pinabayaan ng Diyos. Yung kahit halos mamatay na siya sa dinanas na hirap. Hindi pa rin sumuko dahil alam niyang naghihintay ang kanyang asawa at mga anak. “Magpahinga ka na at hindi ka pa masyadong magaling.” ani ng kanyang asawa. Nginitian lamang niya ito at tinapik nag kanyang tabi. Agad na humiga ito doon at yumakap sa kanya. “Thank you sweeth