DAHIL sa scandal ni Falcon ay binatikos siya ng nakararami. At ang ending inalis siya sa kanyang pwesto bilang head ng Asian Organization. Kaya nagpasya siyang mag resign na lamang. “Alam mong kamatayan ang naghihintay sa ginawa mong pagreresign. Hindi mo man lang pinag-isipan mabuti bago ka gumawa ng hakbang.” narito siya sa harap ng kanyang ama. Panay ang wasiwas nito ng kamay galit na galit ito bakit daw hindi man lang humingi siya ng advice dito. Nais niyang sagutin ito pero useless din naman kaya nanatili siyang tahimik. Isa pa wala naman talaga itong pakialam sa kanya. Kaya lang siya kinakausap nito dahil nasa posisyon siya. Pero ngayon wala na siya sa pwesto kulang na lang ay sabihin sa kanya na huwag ng magpakita dito. “Kung wala ka na pong sasabihin ay aalis na ako.” mahinahon