INABUTAN ni Falcon si Regina sa hindi magandang tagpo. Agad sumiklab siya sa galit ng makitang wala itong malay at halos hubad na habang napapalibutan ng mga lalaki. Meron din video camera sa gilid habang nakatutok sa kinaroroonan ng dalaga. “Anong balak mo ipagahasa siya sa mga tauhan mo?” “Yeah, kapag wala kang binigay na black book.” “Bakit meron video cam?” “Pagkakakitaan syempre sa ganda ni Doktora sigurado malaki ang kikitain ko.” “Kilala mo naman siguro kung anong pamilya ang pinanggalingan niya? Sa akala mo ba bubuhayin ka hanggang sa huling lahi na meron ka?” Sinisikap niyang kumalma ngunit parang huhulagpos na ang tinitimping galit sa babaeng ito. Kung noon ay siya ang naging malapit dito pero kalaunan ay siya na mismo ang lumayo dahil sa kasakiman nito at pagka mainggitin