“ INNOCENT vs PLAYBOY” Charlie Drei and Ma. Clarissa TEASERS; Halos natupok ng apoy ang buong building na kinaroroonan ni Charlie. Napaluha na lang siya sa kawalang pag-asa. Siguro ito ang ganti sa kanyang mga kasalanan. Ang pagiging mapaglaro niya sa mga babae. Lalo na ang kaisa-isang babaeng minahal niya ng lubos ay kanya rin nasaktan. Dahan dahan pumikit ang mga mata hanggang tuluyan mag dilim sa kanya ang lahat. - “Clarissa, late ka na at baka hindi ka maka-akyat ng stage?” tila nagising siya sa malalim na pagkaka tulog ng marinig ang boses ng kapatid na si Dra. Regina. “O-Okay, Ate Regina, at humakbang na siya palabas ng pinto. Naghihintay ang mga magulang sa sasakyan. Wala silang imikan habang patungo sa coliseum. Nang makababa sila ng sasakyan sinalubong siya ng isang lala