LUMAPAG sila sa rooftop ng mansyon. Kapansin pansin ang pagkabalisa ni Clarissa. Pinaglalaruan din nito ang magkabilang kamay. At panay sulyap kay Dra. Regina. “Clarissa, may nais ka bang sabihin?” “A-Ate Regina, t-tatanggapin po ba ako ng mommy mo?” nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay. “Mabait si Mommy, kaya wala kang dapat alalahanin. Ang gagawin mo lang kapag nakita sila magbigay respeto ka sa kanila.” “O-Opo, pero pwede na po ba tayong bumaba?” “Oo naman halika na.” “Naiihi na po ako, Ate Regina.” “May restroom diyan nakikita mo yung pinto na yon malapit sa elevator? Iyong katabi niya ang…” “Opo.” tumakbo na si Clarissa dahil para ng lalabas ang ihi niya. Nang makita ang unang pintuan ay pumasok agad siya. Pero nakita niyang naroon si Mr. Charlie. “Sweety, bakit ka pum